Chapter 11. Bargaining

123 15 0
                                    

Chapter 11. Bargaining

SA ISANG mataong pasilyo ng akademya. Nagkakatuwaan ang mga estudyanteng naglalakad paroon at parito. Nagbabangayan sa mga kaibigang nobles habang ang ilan naman ay nagpapayabangan ng kani-kanilang kapangyarihan sa isa't-isa.

"Tabi! Tumabi kayo!" ngunit isang sigaw ng tumatakbong estudyanteng nakasuot ng salamin ang nagpakuha ng atensyon ng lahat nang ito'y lumagpas sa kanila.

Nakabanggaan pa nito ang isang babae kaya't muntikan pang bumagsak sa sahig kung hindi ito agarang naka-balanse't inayos sa mata ang salamin. "Pasensya na!" hingi agad nito ng paumanhin bago tinuloy ang kanyang pag-takbo.

Lahat ng nadadaanan nito'y napapatingin sa kanya hanggang sa tumigil ang estudyanteng naka-salamin sa isang double door. Walang pakialam na agarang tinulak pabukas na lumikha ng nakabibinging ingay sa lahat ng gurong nasa loob ng silid.

Hingal ang estudyanteng napahawak sa dalawa nitong tuhod sabay turo sa labas. "May..." napahingal ito ng malalim. "m-may nangyaring gulo sa auditorium! Kailangan nyo po itong makita kaagad."

Nagulat ang ilan sa mga gurong nagpupulong ngayon dito. Napatayo ang isa sa guro na may pagtataka. "Anong sabi mo?"

"May 'nangyaring' gulo? Ibig sabihin tapos na." kalmadong sambit ng isa sa gurong nanatiling nakaupo lamang habang nakatukod sa baba ang likurang bahagi ng magkasaklop nitong kamay.

"Sunod-sunod na yata ang gulo sa akademya natin. Hindi na ito nakakatuwa."

"Mula nang pumasok ang estudyanteng 'yon dito, puro kamalasan na lang talaga ang nangyayari sa lahat."

"Ibig sabihin, sya rin ang salarin dito? At do'n sa nangyari kay Prean?"

"Kailangan po ng mas magaling na Healer ang mga estudyante roon. Hindi raw po kakayanin ng mga normal medics na gamutin ang mga sugatan!" muli pang hiyaw ng pinagpapawisang estudyanteng ito.

The whole room was filled with murmurs again. Hanggang sa isang lalaking guro naman ang tumayo't naglakad palagpas sa estudyanteng ito na naka-pamulsa. "Ituloy nyo lamang ang pagpupulong. Ako na ang bahala sa problemang 'to." bilin nito sa ibang guro.

"Pero Professor Reg."

"Masyado ng pwerwisyo ang batang 'yon. Hindi ko na kaya pang magtiis." walang nakatugon sa kanya.

"Kung 'yan ang iyong nais."

Lumisan na sa silid na 'yon ang propesor kasama ang naka-salaming estudyante papunta sa auditorium na sinasabi nito.

Gaya ng inasahan, nahaharangan ng mga estudyante ang main entrance ng building kaya't nakikisiksik pa sila sa mga ito upang tuluyang makapasok lang sa loob. Nabigla ang propesor at natigil sa kanyang pag-hakbang nang madatnan ang auditorium floor na puno ng kalat na dugo.

May putol na daliri at basag na patalim na kumalat ang mga bubog sa paligid. Bitak ang ilang semento't pader habang nagkalat din ang mga walang malay na estudyanteng duguan at tila hindi na makilala sa sobrang wasak ng mga pagmumukha ng mga ito. Isang brutal na pambubugbog ang sinapit ng mga estudyanteng ito. Ang ikinagagalit pa ng propesor ay huli na sya ng pagdating.

Maraming Taurus students ang napinsala sa insidenteng ito. Hindi na ito kayang palampasin pa ng mga guro. Hindi man nabiyayaan ng healing ability o kahit anong kapangyarihan ang propesor na ito, mas alam naman nya kung paano magpagaling ng tao gamit lamang ang ekspertong kaalaman nya sa panggagamot.

******

Makalipas ang ilang araw. Tahimik ang mga estudyante mula sa gulong naganap do'n sa auditorium. I'm the culprit so what? Sila naman ang nauna kaya kinailangan ko lang silang bigyan ng kaunting leksyon upang mag-tanda.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now