Chapter 3. The Blue-Eyed Demon Part 1

167 24 2
                                    

@endie_campz

Chapter 3. The Blue-Eyed Demon Part 1

THE CROWD is already feasting their eyes with such violence. While those helpless commoners down over that bloodied arena seeks out help in agitation, the king was already red like a tomato laughing his heart out by the scene his family and the whole audience is witnessing.

Si prinsipe Rek naman ay napapatayo na't mahigpit ang kapit sa bakal na barandilya ng balkonaheng iyon habang aliw na aliw sa kanyang nakikita. "Napakaganda! Ito ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa iyo Ama. Lubos akong nagpapasalamat at inyo itong pinagbigyan sa wakas. Maaari na akong mamatay anumang oras sa sobrang kagalakan."

"'Wag mong sabihin iyan, mahal kong prinsipe." ngiting may dalang pag-aalala ang boses namang sambit ng reyna sa kanya't pinasadahan ng paghimas ang buhok ng prinsipe. "talagang ika'y labis na minamahal lamang ng iyong ama kaya pinagbigyan ka nya."

Nagkangitian ang tatlong demonyo sa balkonaheng iyon at saksi ako nang muling sumenyas ang nakangiting hari sa knight. "Ibaba ang ikalawang kulungan!"

"Hindi! 'Wag! 'Wag maawa kayo mahal kong hari! Pakiusap!"

"Ayoko pang mamatay!"

"Patawarin nyo kami kung hamak lamang kaming mga mamamayan! Pakiusap patawad!"

"Pakawalan nyo na kami!"

Puro iyakan ng mga ka-uri ko ang maririnig sa himpapawid. Kahit ang aking mga kasama ngayon dito sa kulungan na ito'y hindi na rin ma-kontrol ang sariling magwala't maiyak dahil sa pagka-ubos ng pag-asa nilang mabuhay pa.

"Ibaba nyo na!"

"Ipakain na sila sa mga halimaw!"

"Mga walang kwenta ang mga 'yan, ihulog nyo na sila sa mga dark wolves!"

"'Wag nyo na kaming bitinin. Nagsisimula pa lang ang kasiyahan."

At sa isang iglap, bumagsak ang pangalawang kulungan sa arena. Nagsigawan ang lahat nang marinig ang malakas na tunog ng pagbagsak at pagkasira ng kulungang 'yon sa lupa.

"Baka naman namatay na lahat? 'Wag nyo namang ibagsak ng malakas."

Sabay muling umugong ang tawanan sa mga manonood nang may sumigaw ng mga 'yon? Hindi makita ng lahat kung ano na ang nangyari sa pangalawang kulungang bumagsak dahil sa ito'y napapalibutan pa ng usok. Kahit ang mga lobo'y hindi maka-atake dahil sa pansamantalang pagka-bulag.

Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo, nawala ang ngiti sa mga tao dahil sa sigaw ng isang batang noble. Nakaturo sya sa itaas kung nasaan ang natitirang mga kulungan na nakalutang; "Nawala ang mga preso!"

Dahil do'n, nabalik sa itaas ang tingin ng mga tao't lubos na nagulat sa kanilang nasaksihan. Tama ngang wala na roon ang kahit ni isang commoners na natirang nakakulong.

"Anong nangyari?"

"Nawala nga ang mga preso!"

"Paano at sino ang may kagagawan?!"

"Isang inutil na conjurer ang maaaring gumawa nito."

"Sino ang lumapastangan sa araw ng prinsipe?!"

"Pero kung sino man 'yon, maaaring masyadong malakas ang gumawa nito. Delikado ang maharlika."

"Si King Rhagna ang sinuway nya. Pasensya sya dahil mas magiting na conjurer ang ating hari!"

Nagtaka pati ang mga nasa mataas na balkonahe't nawala ang kanilang maliit na kasiyahan sa selebrasyong ito. "Hindi maaari! Anong ibig sabihin nito?! Imposible!" sigaw na may panggigigil ng hari. Tiningnan ang kanyang knight at matalim ang mga mata nitong muling nagsalita. "sabihin mo kung ano ang nangyari kung ayaw mong ikaw mismo ang ipapakain ko sa mga alaga ko!"

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora