Chapter 81. Premature War Part 2

43 9 0
                                    

Chapter 81. Premature War Part 2

Third Person's pov

MALAKAS ANG kabog ng dibdib ni Dremor.

Hindi niya kailanman inasahang makakarating dito si Xzyt dahil unang-una, isang uri ng espesyal na domain ang dead forest. At ang tanging nakakapasok at nakakahanap lamang sa lugar na ito ay ang may koneksyon mismo sa lugar. Sa parte naman ni Andrei, malamang binigyan siya ng kaunting spell ni Grim kaya natagpuan din nito ang dead forest.

Pero si Xzyt.

Kahit na may koneksyon ito kay kamatayan, imposibleng pagbigyan na lang siya agad ng aninong ito na matagpuan ang lugar.

Maliban na lang kung. "Kaasar!" Bulong na lang ni Dremor nang mapagtantong siya ang dahilan kung bakit nandito ngayon ang binata.

Napansin ito ni Oscar kaya't nilingon siya ng matanda. "Wag kang kabahan. Nag-iisa lang siya at marami tayo. Matatalo rin natin siya."

"Hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Iling na tugon naman ni Dremor. Nilingon si Oscar at sa naninigas na bibig, nagpatuloy ito sa pagsasalita. "ako ang may kasalanan kung bakit siya nakarating dito. Malamang, sinundan niya ako."

Dahil do'n, lahat ng Diablerie ay naipon ang titig kay Dremor.

Nang mawala saglit ang atensyon nilang iyon mula kay Xzyt, siya rin namang pagkawala niya sa paningin ng lahat.

Nataranta si Dremor. "Nawala siya!"

At sa bilis ng kidlat, siya ring litaw ni Xzyt sa likuran ni Dremor at nang akmang aabutin na siya ng binata sa kanyang batok, siyang mabilis na suntok ng kanang kamao ni Greg ang tumama sa pisngi ni Xzyt na nagpayanig sa lupa't nagpabitak doon.

Tumalsik ang binata sa lakas papalayo sa bulwagan.

Napabuntonghininga si Dremor at nang humarap siya kay Greg, malakas na sakal ang natanggap niya rito.

Kalmado si Greg na tumitig ngunit halatang galit siya. "Isa lamang siyang bata. Kapag nagpadala ka agad sa takot sa maaaring pwedeng gawin niya sa ating lahat nang nag-iisa, mas mabuti ako na lang mismo ang pumatay sa 'yo. Wag mong ipahiya ang buong grupo sa katangahan mo. Ikaw ang dahilan kung bakit nahanap niya tayo kaya kung gusto mong bumawi, hindi takot ang sagot sa problema mo. Tutal nagpakita na rin naman siya sa atin, gawin na natin ang orihinal na plano!"

Tinulak ni Greg si Dremor at lumingon kay Ismael. "Oras na."

__

Sa kadiliman ng gubat.

Nakabangon si Xzyt habang inaayos ang panga nitong tila nawala sa ayos dahil sa suntok kanina.

Hindi nagtagal. Umihip ang malamig na hangin. Kasabay no'n ay itim na mga kadena ang umangat sa lupa't ginustong yumakap nito sa buong katawan ni Xzyt nang magpakawala rin siya ng malakas na kidlat mula sa katawan.

Tila isa iyong pagsabog na kaagad pinalaho ang mga kadena kasabay ng bitak sa lupa.

Kasabay litaw ni Ellanor sa likod ng binata, at gamit ang dark dagger, matapang niya itong sinubukang isasaksak sa batok ni Xzyt.

Pero pumihit din agad sa kanya ang binata, salubong na kinagat ang talim dahilan ng pagkakadurog nito.

Gulat si Ellanor na napaatras upang tumakas subalit umabante si Xzyt na sinubukang aabutin ang leeg ng babae.

Kasabay no'n, lumitaw si Dremor sa likuran ng binata. Ipinabulusok ang kanang kamay na may nagtataasang kuko upang tusukin sa likod ng ulo si Xzyt.

Subalit parehong naabot ng binata ang leeg ni Ellanor at naihilig ang leeg kaya't sumablay ang atake ni Dremor.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now