Chapter 6. Cafeteria

150 21 1
                                    

@endie_campz

Chapter 6. Cafeteria

DARK TOWER.

Isa sa mga tinuturing na banal na lugar sa akademya ng Hedilli. Mayroon itong dalawampu't limang palapag at sa rooftop side nito'y naroon ang isang lalaking nakasuot ng berdeng balabal.

Nakatago ang mukha sa isang hoodie at naka-pwesto ang dalawang kamay sa likuran na magkasaklop sa isa't-isa. Ito'y may kulay puting mga mata't sadyang malakas na nilalang sa taglay pa lamang nitong awra.

"Nandito sya." taglay nya ang kakaibang kapangyarihang hindi pangkaraniwan. Nararamdaman nya kahit ang enerhiyang hindi nakikita ng normal na conjurers sa paligid. "Ang panginoon ng kamatayan ay dumalaw sa akademya. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli naming pag-uusap patungkol sa katapusan ng aking buhay."

Tila ba'y sabik sya na parang masaya pa na maramdaman ang itim na presensya ni kamatayan subalit hindi nya ito makikita kung ito'y sadyang ayaw syang puntahan o kausapin.

Hindi nagtagal, may isang lalaking nakasuot ng berdeng kapa ang umakyat dito kasama sya't lumuhod bago nagsalitang nakayuko. "Ang Hari ay hindi makakapunta sa pagpupulong na ito, Headmaster Wyain. Anong gusto mong gawin natin?"

Huminga ng mahina ang headmaster bago bahagyang nilingon ang kadarating na knight professor. "Dumating man o hindi ang Hari, hindi matitigil ang pagpupulong. Kung wala sya, ibig sabihin hindi importante ang magiging opinyon nya sa gagawin nating usapin. Alam ng hari ang ginagawa nya. Dumating na ba ang iba?"

"Ah. Tama po kayo. Nandito na nga sila lahat. Kayo na lamang po ang hinihintay sa Holy Table." sagot ng knight professor dito.

Napatango ang headmaster at mahinahong naglakad at naunang bumaba sa rooftop.

Sa 25th floor. Nandito ang Holy Table. Isang purong ginto na lamesang pabilog ang nandito't mayroon lamang dinisenyong limang Holy Chairs kung tawagin. Nang makarating ang headmaster, pumuwesto agad ito sa isa sa mga upuan do'n.

Sa natitirang tatlong upuan, nakaupo na ang tatlong pigurang hindi nasasakop ng liwanag. "Mukhang hindi makakapunta ang Hari sa pagpupulong." paunang sambit ng headmaster sa tatlong naririto nakaupo kasama nya.

"Na naman?" isang di kilalang boses ng lalaki ang maririnig.

Singhal ng medyo may kalakihang lalaki ang sumunod. "Anong silbi ng pagpupulong na 'to kung wala rito ang pinuno sa lahat ng hukbo?" sambit nya't may halong pagka-inis.

"May sariling problema ang Hari sa ngayon. Hayaan na natin ang kamahalang gawin ang kung ano ang mas mahalaga para sa kanyang kaharian." muling saad ng headmaster.

"Mas mabuting simulan na natin ang pulong na ito at nang matapos na tayo kaagad." ang lalaking pinaka-misteryoso sa kanila. Nakasuot ito ng puting maskara't makikitang itim ang kulay ng kanyang mata.

******

"Ito ang cafeteria." turo ng slave sa isang building na nasa aming harapan. Nilingon nya ako't ngumiti. "At do'n naman ang Dorms ng Nobles, at nando'n sa isang parte na 'yon ang sa mga espesyal sa lahat."

"The Royals." ako na ang tumuloy sa sinabi nya't napatango naman ito.

"Tama." she quided me to another spot of the academy and mostly, napapamilyar na ako rito kahit ilang minuto pa lamang kaming palakad-lakad.

Nakilala ko na ang headmaster kanina. Pero tanging pigura nya lang ang nakita ko. And he's behind his huge chair across a green table. He only talked to me with normal things like, ano ang pakiramdam ko na naging isa ako sa commoners na nandito sa akademya nila. He even talked about normal rules too, like curfews and simple punishments and other systems of this academy. Like ranks and other stuffs.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now