Chapter 39. The Heads of the Fortress

110 14 1
                                    

Chapter 39. The Heads of the Fortress

Third Person's pov

ANG High Council.

Binubuo ng apat na matatalinong tagapayong nagmula pa mismo sa Dukedom na pinamumunuan ni Duke Gryne. Ang pinuno sa independenteng kaharian.

Sa isang gasuklay na hugis ng lamesang gawa sa ginto, nakaupo roon ang apat na tagapago habang nakaharap sa malaking dalawang pintuan sa malaking silid na ito.

"Balita ko'y may nakapasok na manlalakbay sa gubat kailan lang." panimula ng isa sa kanila roon.

"Narinig ko nga rin ang balitang 'yon." tugon naman ng isa pa.

"Ang sabi pa'y may dala-dala itong bihag na nagmula pa sa kabilang dako ng imperyo." tugon no'ng lalaking unang nagsalita. Si Counselor Hyve. Lv. 2 Knight Conjurer na may pulang mga mata.

"Natural na magdadala sila ng mga bihag dito, ngunit ang sabi-sabi iisang tao lang ang nagdadala nito rito habang piniprotektahan ang sarili mula sa mga bantay ng gubat." sabi pa ng nakasalaming mas pinaka-bata sa kanila. Sya si Counselor Anthony. Lv. 3 na may asul na mga mata.

"May nakatukoy ba sa mga taong ito?" tanong ng isa pang lalaking may bagsak na pulang buhok. Si Counselor Kael. Isang Lv. 1 Knight Conjurer na may pulang mga mata.

"Malamang natukoy na ito ng Grand Warden ng Fortress. At hindi rin magtatagal, makakarating na rin sila rito anumang sandali mula ngayon." sagot naman ng ika-apat na tagapayong may itim na buhok na nakapusod. Naglalaro sa singkwenta ang edad na mayroong matatalim na klase ng titig ng mapupula nitong mga mata. Si Counselor Albert. Isang Lv. 1 Knight Conjurer.

"Noong nakaraang buwan lang, maraming preso ang nakatakas sa mga kulungan nila. Hindi napigilan ang iba't napatay sa kalagitnaan ng paghuli tapos ngayon, madadagdagan na naman ang alalahanin natin." sabi ni Kael. "Kailan pa ba natin matatawag na payapa ang mundong ito?"

"Kapag wala na ang Fortress, tsaka natin masasabing wala ng gulo ang mundo," tugon ni Hyve. "Subalit magugunaw na lamang ang mundo'y hindi pa rin ito mangyayari. 'Yon ang katotohanang hindi na kailanman mababago pa."

Bigla namang umingay ang pagbukas ng dalawang higanteng pinto mula sa silid kaya't nahinto rin sa pag-uusap ang lahat.

Lahat ng mata ay nakatitig sa pumapasok na si Grand Warden Greg na nakasaklop ang dalawang kamay sa likuran. Hindi ito bumati sa apat na tagapayo, kundi ang apat na mismo ang tumayo na yumuko kay Greg.

Napansin ito ni Xzyt na kasabayan lamang din ni Greg sa paglalakad habang nasa likod nya ang tahimik na si Oscar.

Nang muling maupo ang apat, pumuwesto naman si Greg sa gitna ng bulwagan at giniya ng isang kamay ang binatang nasa kanya na rin ngayong tabi. "Mga kasama. Nais kong ipakilala sa inyo ang taong laman ng balita ngayong araw. Isang magiting na estudyante ng Hedilli Kingdom, si Xzyton Gray. Dinala nya rito mag-isa ang isang bihag na talagang ikabibigla ninyong lahat."

Nagkatinginan ang apat. Hindi pa man din nila naririnig, malakas na ang kanilang kutob sa kung saan hahantong ang usaping ito.

"Ang bihag na hawak ngayon ng binatang ito'y isa sa miyembro ng pinaka-mapanganib na mersenaryo ng buong kontinente ng RavenGrynde. Ang grupo ng mga taong gumagamit ng itim na mahika upang pumaslang. Sya si Oscar na mula sa Diablerie." turo ni Greg sa matandang nakayuko.

Walang makatugon dahil sa kanilang pagkabigla. Napamaang ang bibig. Habang ang iba'y kinabahan. Napaurong si Kael mula sa mesa at inayos ang gusot ng kanyang damit na napapatingin sa kanyang paligid.

Tila napadasal si Anthony sa posisyon ng mga palad nya habang nakatitig sa Oscar na ito. Napalunok sya ng palihim at napaiwas din ng tingin nang taasan sya ng titig nitong matandang ito. Buwisit! Mura ng binatang tagapayo sa kanyang isip sabay napapisil sa ilong habang nakapikit.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now