Chapter 19. Batch 18

149 14 0
                                    

Chapter 19. Batch 18

Third Person's pov

SA ISANG maulang gabi.

Sa isang tagong bayan ng Yeloumi. Dalawang tao ang naglalakad sa isang maputik at mausok na daanan. Nakatalukbong ng itim at takip na takip ang mga mukha ng mga ito. Lumiko ang mga ito sa eskina hindi kalaunan.

Nang makaabot sa kabilang bahagi ng daan, lumikong muli sa malawak na kalsada't huminto sa isang tapat ng bahay. Pinihit ang pinto pabukas at sumalubong ang mga titig ng bawat nag-iinumang tao sa loob.

Ang iba'y napapahinto sa kalagitnaan ng ginagawa't pagkukuwentuhan. Samantala'y dire-diretso lang din naman ang lakad ng dalawang lalaking ito hanggang sa makaakyat ang mga ito sa pangalawang palapag ng taberna.

Ang buong palapag na ito'y okupado ng nag-iisang grupo at wala silang pinapapasok dito maliban sa may-ari ng lugar na maghahatid sa kanila ng mga alak.

Nang makaakyat ang dalawa, sumalubong ang malamig at medyo may kadilimang silid na tatlong metrong taas lang bago ang mismong kisame na nito. May balkonahe sa gilid at nakasara ang salaming pinto nito dahil sa ulan.

Sa gitna ng silid. Isang kahoy na lamesa ang naroroon. Nakapatong ang tatlong nakasinding kandila.

Nakapalibot ang pitong sofa, at sa apat na upuang iyon ay okupado ng kalalakihan at isang babaeng magkakapareho lang din nila ng mga suot. Halatang may ka-edaran na ang iba subalit 'yong isang hindi nakikisali at nakasandal lang sa pader sa kadiliman ay ang pinaka-bata sa kanilang lahat.

"Bakit kayo natagalan?" ang binatang ito'y nagtanong sa dalawang dumating. Inangatan ng titig ang mga ito sa napakalamig nitong puti't-itim na mga mata.

"Nagkaroon po ng kaunting problema subalit na-resolba naman po namin ito kaagad. Patay na po ang asawa ng hari ng Yeloumi. Sigurado po kami sa aming naging trabaho kaya't wala na po kayong dapat na ipag-alala." paliwanag ng isa sa kanila.

"Ang totoo'y napakadali lamang sana ng trabaho kung ako ang pinakilos nya, ngunit nagpumilit sya kaya't kamuntikan pa kaming mapansin ng hari." dugtong ng kasama nitong lalaki.

"Ang trabaho natin ay magligpit ng mga mahahalagang tao at hindi kailanman dapat napapansin ng iba." saad naman no'ng lalaking nakaupo sa upuan. Sya ang pinaka-matanda sa kanila. "Sa panahong ito, hindi na natin kailangang pumalpak pa gaya ng dating misyon natin sa kaharian ng Hedilli."

"Ang pitong prinsipe. At ang kanilang nag-iisang prinsesa. Nakakatuwa ang misyong 'yon sa pagkaka-alala ko. Matagal-tagal na rin no'ng huli kong makita ang mga batang 'yon, nasasabik na talaga akong makita silang muli." saad naman ng nag-iisang babae sa grupo. Tatlong taon itong mas matanda sa binatang kanilang pinuno.

Umayos ng tindig ang binatang pinuno. Naglakad na nakapamulsa't nilagpasan ang lahat na nagwika. "Kung gano'n, walang dapat sayanging oras. Isang buhay na lang ang kailangang ligpitin bago tayo bumalik sa Hedilli kaya humanda na kayo."

Tumayo na ang iba't sumunod na pumanaog sila habang ang binatang pinuno ay nasa kanilang unahan.

Lahat ng nasa baba ay napansin ang kanilang ginawa kaya't madali silang napaiwas ng tingin nang mapansin ang pinuno ng grupong ito. Ang makita ang mga mata ng binata ay talagang ang huling bagay na kanilang gagawin.

Masyado itong delikado sa buhay nila kahit isipin lang nila ang mga ito o pag-usapan man lang. Kaya't kahit alam nilang ito na ang pinakamalakas at pinakamatagal ng grupo ng bandido sa buong mundo, walang ni isa sa mga mamamayang saksi ang nagtangkang sabihin sa mga awtoridad ang lahat ng kanilang nasasaksihan lalong-lalo na kapag may kinalaman sa grupong ito.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now