Chapter 62. One-MAn ArMY

77 11 0
                                    

Chapter 62. One-MAn ArMY

Third Person's pov

Anim na oras bago ang pagsalakay ng grupo ni Draco...

MULA NANG mapagtanto nito ang plano ng mga taga-Hedilli. At ang dala-dala nilang bagay na higit pa sa isang kayamanan. Kaagad gumawa ng isang plano si Draco kasama ang kanyang mga alagad upang agawin ang bagay na 'yon.

Sa isang tindahan ng alak, ilang lakaran ang layo mula sa panuluyan, kasama ni Draco ang apat sa kanyang kasamahan upang maingat na mapag-usapan ang bawat gagawin ng lahat.

Marami ang taong narito kaya't sa isang pribadong silid sila nanatili habang may bantay sa paligid, sa bubungan man o sa mismong tarangkahan ng tindahan. Naninigurado talaga silang walang kahit na sinong tainga ang dapat makaalam sa bagay na kanilang natuklasan at isasakatuparan.

"Ibig sabihin, kapag nakuha natin ang abo ng namayapang prinsipe, pwede natin itong dalhin sa fountain upang buhayin ito?" Saad ng isa sa kasama ni Draco. "pero mawalang-galang na pinuno. Ngunit ang misyong ito'y masyadong delikado."

Nalingon ito ni Draco.

"Isa pa, taga-Hedilli sila. Balitang hindi pangkaraniwan ang taglay na lakas ng mga knights na naroroon. Maski ang kanilang hari o prinsipe, hindi rin madaling kalabanin." Dugtong pa ng isa at doon naman nalipat ni Draco at tingin.

Nagbuga sya ng hininga at nagsalita. "Malalakas sila. Hindi ko 'yon pwedeng itanggi. Pero 'yon din mismo ang dahilan kung bakit kinakailangan nating buhayin muli ang unang prinsipe ng kahariang 'yon."

"Ang talagang problema ay kung papanig ba sa atin ang prinsipe sa sandaling malaman nitong isang tulad nating mga grupo ng bandido lang ang bumuhay sa kanya." Saad ng isa pa.

"Wala syang karapatang kalabanin tayo." Sagot din ni Draco. Tumitig sa kasama nya't nagpatuloy. "wag nyong kakalimutang may kakayahan akong kontrolin ang buhay at kamatayan. Kaya't wag na kayong masyadong mag-alala sa bagay na 'yon dahil ako na mismo ang bahalang tumali sa leeg nya."

"Sigurado ka ba talagang sapat ang kakayahan mong kontrolin ang unang prinsipe sa binabalak mo?"

Nagulat na napatayo ang lahat maliban kay Draco nang makarinig sila ng ibang hindi pamilyar na boses sa silid na ito.

Katapat lamang na pader, limang metrong distansya kung saan diretsong nakatingin si Draco, isang pigura roon na nakapamulsa ang kanyang nakikita.

Purong itim ang nilalang na ito. Matuwid ang tindig at may katangkaran din. Nakatalukbong at mahaba ang balabal nitong lagpas tuhod. Tila isa itong halimaw na walang mukha sa itsura nya.

Kaya't natural na agad napahugot sa kani-kanilang mga sandata ang kasamahan ni Draco na seryosong nakatingin sa entremetido.

"Anong sadya mo rito! Paano ka nakapasok nang walang pahintulot mula sa pinuno?!" Matigas na tanong agad ng isa sa kanila rito.

Lahat man sila ay nagtataka kung kahit wala man lang senyales ng kaguluhan mula sa mga bantay sa labas. O kahit na anong butas sa pader na pwede nitong pasukan.

Tinanggal naman ng estranghero ang talukbong mula sa ulo nito na may malamig na titig tungo kay Draco na kalmadong nagsalita. "Hindi ako isang kaaway."

"Kung gano'n, ano ka?" Tanong agad ni Draco rito. Sya lamang ang tanging kalmado pa rin sa kabila ng kakaibang nangyayari rito.

Kumurba pataas ang labi ng estranghero. "Isa lamang akong hamak na manlalakbay. Ang pangalan ko'y Ismael. Pasensya na kung pumasok ako nang walang paalam."

Tumayo si Draco sa kanyang upuan. Binigyan sya ng makahulugang titig mula sa kanyang tauhan ngunit hindi nya ito pinapansin. Hindi nya maalis ang titig sa taong nagpakilala. Naglakad sya palapit dito hanggang sa isang metro na lamang ang pagitan nila.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now