Chapter 34. The Search of the Three Shadows - Part 4

109 15 4
                                    

Chapter 34. The Search of the Three Shadows - Part 4

Third Person's pov

MULA sa isang panuluyan ng bayan. Hindi nalalayo sa teritoryo ng Hedilli. Nakaupo sa isang mabatong dulong bahagi ng bangin ang isang binatang may malalamig na tingin habang pinagmamasdan ang buong lupain.

Sumasampal ang malakas na simoy ng hangin sa kanyang mukha. Nang sa hindi rin nagtagal, lumabas sa panuluyan na hindi nalalayo sa binata, ang isa pang lalaki. May katandaan na at wala ring makikitang reaksyon sa mga mata na lumapit sa binatang nasa may bangin.

Huminto matapos apat na metro ang distansya sa binata at naging tahimik lamang doon.

"Batid kong may katanungan ka sa iyong isipan ngayon. Ano 'yon, Oscar?" biglang malamig na boses ng binata ang narinig nang hindi man lang inaalis ang tingin nito sa kawalan.

"Bakit mo 'ko nais pumunta sa akademya ng Ireval?" seryoso ang boses na tanong ng matanda.

"Ano pa nga bang ibang rason? Nangangailangan ng tulong ang tatlong anino sa akademya. Namatay si Gavorn at ang lagpas isan-daang hukbo nya mula sa hindi malamang salarin kaya tayo ang naging huling pag-asa nila para sumuporta." paliwanag ng binata. Tumingala sya at nakita ang papadilim na kalangitan.

"Bakit, Oscar?," muling nagsalita ang binata at bahagyang nilingon ang ulo sa likod. "Natatakot ka ba sa grupo ni Ains? Nababahala kang baka makasagupa mo silang muli roon? Wag kang magpatawa. Subalit hindi rin naman maikakailang pwede ngang mangyari ang bagay na 'yon."

"Kung gano'n, bakit mo pa ako ipapadala roon?"

"Gusto mo ba akong palitan bilang pinuno, Oscar?" nanlamig ang matanda sa kanyang narinig. Napalunok nang titigan sya lalo ng binata na halos malagutan na sya ng paghinga sa sobrang tindi nito. "Kung gano'n sundin mo ang utos nang hindi nagtatanong."

Napaatras ng ilang hakbang ang matanda at napaluhod ang isang tuhod na yumuko. "Patawad, pinuno. Aalis na po ako ngayon din."

Hindi tumugon ang binata at muling ibinalik sa kawalan ang kanyang tingin.

Hindi kaya ni Oscar kahit ang makipag-usap sa binata na lalagpas sa isang minuto na hindi sya panlalamigan ng kamay. Gusto nyang labanan ang takot pero kahit ilang siglo na ang lumipas. Tila wala pa rin 'yong ipinagbago katulad ng iba pang miyembro.

Gusto lamang nyang umaktong malakas tulad ng iba. Ngunit kailanman, ay hindi sila tinuring na kakampi ng binata. Para lamang silang mga maliliit na pusang naligaw at nakasunod sa kanya.

Nagagamit nya ito bilang utusan at kung anu-ano pa. 'Yon lamang ang silbi ng anim na miyembro nya sa kanya.

--

Gaya ng inasahan ni Oscar at ang kanyang labis na ikinababahala bago pa man din sya pumunta rito gaya ng utos ng pinuno. Nakasagupa nga nya ang grupo ni Ains. At ang mas malala pa ro'n ay ang binatang si Xzyt mismo ang pinakaunang nakatagpo sa kanya.

Pero gusto nyang umaktong hindi natatakot sa binata. Malakas naman sya dahil sa taglay nyang itim na mahika. Ang ikinababahala lang talaga nya ay hindi nya malaman kung gaano kalakas si Xzyt. Nais nya itong analisahin subalit nabibigo lamang syang malaman 'yon.

Ang tanging impormasyon lamang nila sa binata ay may tinatagong asul na mga mata si Xzyt. Mula kay Ellanor ang impormasyon.

Subalit kung paano gumagamit ng kapangyarihan ang binata ay isa pa ring misteryo sa kanila. Ito ang unang beses na nagulo ang mga utak nila dahil lamang sa isang binatang may kayumangging mga mata.

Tsaka lamang din napagtanton ni Oscar ang tunay na layunin kung bakit sya ipinadala rito sa Ireval. At 'yon ay kapag nakaharap nga nila ang grupo ni Ains ay tiyak magkakaroon sila ng pagkakataong analisahin ang kapangyarihan ni Xzyt mula sa pakikipaglaban.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now