Chapter 42. Murdered

111 16 2
                                    

Chapter 42. Murdered

Third Person's pov

TULUYAN ng dumilim ang buong paligid.

Ang mga presong tumatakbo sa gubat papalayo ng fortress ay hindi na rin mapigilan pa. Alam na nilang sa sandaling marating nila ang bukana ng gubat na ito'y 'yon na rin ang bagong simula ng buhay nila bilang malalayang tao. Malalayang kriminal na kailanman ay hindi inaakalang makakaalis sa kanilang mga kulungan ng gano'n-gano'n na lang.

Wala silang pakialam kung sino ang gumawa no'n. Wala silang pakialam kung sino ang taong gumawa ng pagsabog. Ang mahalaga sa kanila ay ang tumatakbo nang tumakbo papalayo sa lugar na tinuturing nilang impyerno sa mundong ito.

Sa kabilang dako ng gubat. Tumatakbo ang dalawang kriminal na may ngiti sa kanilang labi.

"Sa wakas! Pwede na ulit tayong manghuli ng mga magagandang babae ngayon!" sabay tumawa sila ng malakas.

"Malaya na ulit tayo kaya't hindi na natin kailangang magpigil!"

Halakhakan ng dalawang ito ang umalingawngaw sa paligid.

Magkapatid ang mga kriminal na ito. Si Gero at Saed. Habambuhay ang sentensya ng kanilang pagkakakulong dahil sa naging pagkakasangkot nila sa pambibiktima ng mga babae sa bawat bayan sa imperyo ng Moonovien. Malakas sila at hindi mahuli-huli ng mga knights dahil sa liksi nilang kumilos.

"Pero bago 'yon. Hindi ba mas mainam kung hanapin muna natin ang taong gumawa nito sa 'tin?" saad ng isa kaya't napalingon sa kanya ang kanyang kapatid.

"Ang walanghiyang tao na 'yon ba ang tinutukoy mo?"

"Hindi ko sya mapapatawad! Nang dahil sa kanya, muntik na tayong mabulok sa mabahong selda na 'yon!" saad ni Gero. Kumuyom ang kamao nya at lumabas ang dila sa bibig kasabay ng kanyang ngisi. "Pero sa pagkakataong ito. Tayo ang mananalo! Pahihirapan natin sya hanggang sya na mismo ang magmakaawa sa buhay nya!"

"Nandito sila!" nakarinig ang magkapatid ng sigaw mula sa likuran.

Napalingon si Saed. "Ang mga walanghiyang knights na 'to. Hindi man lang nadadala."

"Mas mabuti pang turuan na lang natin sila ng leksyon." huminto si Gero at pumihit.

"Payag ako." sumunod si Saed at hinintay na makahabol ang anim na knights sa kanila.

"Mag-iingat kayo! Malalakas ang magkapatid na 'yan!" sigaw naman ng squad leader ng mga knights at nagsilihis ng takbo upang palibutan ang dalawang kriminal.

Subalit sa simpleng kumpas ng kamay ni Saed, biglang naputol ang binti ng squad leader ng mga knights na para bang may kung anong hindi nakikitang enerhiyang gumawa noon.

Nagulantang ang lahat sa nakita nang sumigaw ang squad leader na pilit tinatakpan ang putol na binti na walang tigil sa pag-agos ng dugo rito.

Tumawa si Saed. "Pasensya na. Hindi ka kasi nag-iingat!"

"Captain!" gustong tumulong 'yong isa na knight subalit bago pa man sya makakilos, lumitaw sa kanyang likuran si Gero na may matutulis na kuko ang mga kamay na dinurog ang ulo ng sundalo na 'yon sa isang iglap lang.

Ang tumalsik na dugo sa mukha nito'y kanyang dinilaan at mas lalo syang napahalakhak na napapadilat ang mata. "Ang sarap sa pakiramdam na pumatay~. Matagal kong hinintay na maranasan ulit ito!"

"Naglabas ng apoy ang squad leader, ginustong magpakawala ng apoy tungo sa magkapatid subalit sa isang kumpas ulit ng kamay ni Saed, tila sinakal ng hangin ang leeg ng knight na ito at napwersang mapugot ang leeg na 'yon na agad din nitong ikinamatay.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now