Chapter 4. The Blue-Eyed Demon Part 2

175 26 4
                                    

@endie_campz

Chapter 4. The Blue-Eyed Demon Part 2

BITAK NA mga piraso ng towers ang nagsibagsakan sa ibaba. Some of the knights got buried with one of the big drop of those cracked cements that made the whole armies inside the arena more alert and shocked.

'Yong natirang mga nakalutang na kulungan sa ere ay bigla namang bumulusok sa akin ngunit nasalubong ko naman ito ng malakas na kidlat, kaya't nahati ito't nasira bago ako tamaan.

Nag-somersault paatras bago bumagsak 'yong pangalawang bakal na kulungan na bumitak sa sementong kinatatayuan ko kani-kanina lang.

Sabay bulusok pa no'ng panghuling kulungan pero binalot ko ng kidlat ang paa't paikot na sinalubong ng sipa ang bagay na 'yon. Nagkanda-pira-piraso ang bakal na ito't tila ulan na sabay-sabay bumulusok pababa sa mga knights sa arena.

"Take covers!" sigaw ng ilan sa nakapansin kaya't ang nakarinig ay nagharang ng kanilang mga panangga sa katawan. Nagsiyukuan ang iba ngunit sa mga kakalingon pa lang, diretso sa mata ang piraso ng bakal na patay na bumagsak sa lupa.

Some had been pierced through their chest armors over their backs by pole of that cage bar. And some were even unluckily decapitated. Severed limbs and fingers. Lost their eyes and the arena filled with shouts once again while squirming in pain.

Nagulat ang lahat ng mga manonood. Lahat sila'y nagsitakbuhan na nakikisabay din sa sigawan ng mga sundalong dapat ay poprotekta sa kanila.

Natawa akong tinanggal ang telang nakatakip sa bibig at ilong ko. "Mga duwag."

Saktong may sunod-sunod na fireballs ang bumulusok mula sa arena tungo sa akin kaya't sunod-sunod lang ding takbo't paikot na talon ang ginagawa ko upang ito'y mailagan habang hindi bumababa sa wall trail na ito.

Puro bitak na semento ang makikita sa paligid ng arena, kahit ang iilang bahagi ng audience ay nasira na rin ng nagliliparang apoy na hindi man lang ako natamaan kahit isa.

"Lagot kayo sa hari, sinira nyo na ang arena nya!" sabay malakas akong tumawa habang iniilagan pa rin ang ilan sa fireballs. It didn't matter how big or fast their long range attack is coming second by second. The most important thing is, I can still dodged it no matter how foggy this high ground is already.

Saktong nakita ako no'ng isa sa lightning conjurer din nila sa nahawing usok kaya't nagpakawala sya ng kidlat mula sa kalangitan.

Isang kaparehong spear-sized lightning ray ang bumulusok tungo sa bunbunan ko ang kumawala kaya't mabilis akong napatingala. "Naloko na." hinarang ko ang kanang palad bago tumama ng ilang pulgada ang atake sa bunbunan ko.

Kumalat ang kidlat at nabitak ang kinatatayuan ko. Nakuryente ang buo kong katawan at nahihirapan kong naipikit ang mga mata habang mahinang napaungol na bahagya pang napayuko.

Subalit nawala ang ngiti ng mga sundalo nang bigla kong minulat ang mga mata't ngumisi. "Heh-heh. Biro lang." sabay gamit naman ang kaliwang palad, may pwersa kong itinutok iyon sa lightning conjurer sa arena at mas malakas na lightning spear ang bumulusok at nagpabutas sa mismong ulo nya, hanggang sa lupang nabitak at sumabog din mula sa likuran nya.

The helmet he's wearing didn't even helped a little bit. Bumagsak sya't dumagdag sa kilabot ng lahat na naroroon ang nangyaring 'yon at ni hindi maka-atake nang suno-sunod.

Even the four fierce dark wolves couldn't raised their tails to launch any attacks at me right now. Nabahag yata ang mga buntot habang pinapanood ang delikado nilang paligid at naisip na lamang na manatili.

And once again, I took a sidelong glance at the three royals 40 meters from the side I am standing right now from my left.

Hindi sila makakilos. Ni ang makapagsalita man lang. Tinaasan ko sila ng kilay habang sumenyas na sumusubo ng kanin sa nakabuka kong bibig. "Nganga?" pang-aasar kong tugon bago natawa.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now