Chapter 9. Saviour

121 19 1
                                    

Chapter 9. Saviour

I COULDN'T ask for more.

Or maybe. Pwede pa. I mean. Sa lahat ng lugar na pupwede kong mailabas ang lahat ng gusto kong gawin, ang paaralan na yata ang pinaka-ayaw kong puntahan. Nandito kasi 'yong mga rules and regulations.

Nandito ang mga taong didisiplinahin ka kapag sinuway mo sila at nandito rin 'yong mga taong makikipagtalo at makikipag-digmaan sa 'yo makuha lang ang gusto nila.

It's either because of honor, or just for their self-satisfaction illness. Guilt and hates. Humiliation and discrimination. Sadness and joy. Halo-halong emosyon na ang nakikita ko sa loob ng akademyang ito kahit dalawang araw pa lamang akong nandito.

Looks like I'm not going home for a while now. Hindi ko na iiwan ang lugar na 'to. This is so far the best playground I can ever think of and I'm honestly loving it here. Mas gusto ko pa nga yata sanang dagdagan nila ang apat na taon para matagal-tagal din akong maka-graduate.

"Sino na ang unang lalaban?"

This teacher infront of us is one of the signs that there are more savages lurking around this academy. Hindi ko aakalaing nag-iinit na ang dugo ko sa sobrang pagka-excited. Gustuhin ko mang liparin ang distansya namin ngayon ng gurong ito at ibigay sa kanya ang labang hinahanap nya, I can't just do that out of my own anxiety. Like I've said before, magmamasid-masid na lang muna ako.

Gusto ko nang mas intense na sitwasyon.

Nanatili ako sa pinaka-likuran ng linya habang ang aming guro'y naghihintay lang na may kumilos sa amin. May hourglass sa lupang katabi nya at mukhang sampung minuto na rin ang lumipas pero wala pa ring nagtangkang umatake sa kanya.

Oh, they bet I'm saving them. Not now guys. Manonood nga lang kasi ako ngayon. Kaya labanan nyo na sya.

"Ano na?!" tila galit na sigaw ng aming guro kaya't napaatras ang ilan sa amin sa sobrang takot. "Tulad ng inasahan, hindi mapagkakatiwalaan ang mga commoners na gaya nyong maging ganap na mga Knight Conjurers. Nasasayang ang oras ko sa inyo alam nyo ba 'yon?!"

He's definitely mad. Obviously.

Napansin naman namin ang iilang nobles sa hindi kalayuan na pinagmamasdan kami rito.

They're laughing at us.

"Uy! Mga duwag!"

"Simpleng exercise lang 'yan. Hindi naman kayo papatayin ng guro ano."

"Subukan nyo na. Sige kayo, gusto nyo bang matapon ulit sa mga maruruming lungga nyo sa village?"

"Wala pa kayong makain, tapos naduduwag kayo? Paano kayo mabubuhay nyan?"

"Wala 'yan. Mga maruruming duwag ang mga 'yan."

"Mabuti pang manatili na lang kayo sa mga butas nyong bahay."

"Hindi bagay sa inyo ang ganitong buhay."

"Ang mga commoners, ay katulad lang ng mga hayop."

Napakaraming hiyawan at sigawan pa ang aming narinig mula sa mga ito. Masasakit na mga salitang kailanman ay hindi na bago para sa amin. Pero nang matingnan ko ang mga mukha ng mga kasama ko, halos wala na silang buhay na nakayuko sa kanilang kinatatayuan.

The world is pulling them down like helpless puppets. May naiyak na habang napaluhod ngunit ang iilang kalalakihan ay hindi nagpadala sa poot at takot bagkus ay ikinuyom ang mga kamaong nanatiling diretso ang tingin sa aming guro. Well that's what we call determination.

I'm sure hindi naman mananakit ang gurong 'to di ba? He's just going to teach us how to be strong. Sinusubukan nya lang ang tapang naming lahat. Kahit na gaano pa kami kasuklam-suklam sa paningin nila, hindi nila kayang saktan ang kahit ni isa sa amin na aabot sa puntong makikialam na ako.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now