Chapter 46. Trepidation

111 20 6
                                    

Chapter 46. Trepidation

Third Person's pov

"NAGTAGUMPAY kaya si Xzyt sa misyon nya?" hindi maiwasang maitanong ni Aris habang naglalakad sila sa pasilyo.

Handa na sila upang makaalis sa lugar na ito kahit sa gitna pa ng gabi mula nang makarating sa kanila ang sulat mula kay Headmaster Wyain.

"Kung buhay pa rin sya hanggang ngayon, makakarating sya sa Hedilli kung nanaisin niya." sabat ni Kai. Diretso ang tingin sa daan habang mabibilis ang hakbang.

Para sa kanya, walang dapat sayanging oras sa pagkakataong ito. Nasa Hedilli ngayon ang buong Diablerie. At kahit hindi man humingi ng tulong si Wyain sa kanila. Pupunta at pupunta pa rin si Kai kahit ano pa mang mangyari.

Hindi nya 'to ginagawa para sa iba, kundi para sa sarili nya.

Nang makalabas sila sa kastilyo, sinalubong sila ng isang mayordoma sa labasan, kasama ang tatlong kabayong ibinigay bilang regalo sa kanila ng kamahalan.

"Naway maging ligtas ang inyong paglalakbay sa gubat, Ginoong Ains. Maraming salamat sa inyong serbisyo. Ipinahahatid ng kamahalan ang kanyang suporta sa buong kaharian ng Hedilli." nakayuko nitong sabi kaya't tinanguan lamang ito ng tatlo.

Mas mabilis silang umalis at di inaasahang mabibilis tumakbo ang mga kabayo kumpara sa inasahan nila kaya't nakalabas sila ng bayan ng Orklaine nang mas mabilis.

Tinahak ang gubat pabalik sa sentrong kaharian ng lupain sa madilim na daanan. Nauuna si Kai sa pagpapatakbo habang nakasunod naman sina Ains at Aris dito.

"Prinsipe Kai! Huminahon ka lang! Mas importante kung ligtas tayong makakarating sa Hedilli kaya't wag kang masyadong magmadali!" mahinahong sigaw ni Ains upang bigyang babala ang prinsipe.

Subalit hindi man lamang ito sa kanya nakikinig, bagkus ay talagang tuluyan nang nawala sa paningin nya ang binata at tanging tunog lamang ng mga paa ng kabayo sa di kalayuan ang patuloy na humihina sa kanilang harapan.

--

Sa Execution Fortress.

Natapos ang labanan sa pagitan ng mga preso at knights na naghahabulan sa gitna ng GryndeForest.

"Tatlong preso sa Cell 45 ang nawawala. Hindi pa namin makita. Walang natira sa Cell 21 hanggang 26. Wala kaming ibang nagawa kundi patayin silang lahat sa gitna ng paghuli. Sina Saed at Gero. Hindi pa namin mahagilap. Siguradong nakatakas ang mga ito o di kaya'y bangkay na rin at hindi pa nadidikusbre."

Marami pang nagpahayag na kasundaluhan sa isang komander ng hukbo at nagsisilbi ngayong namumuno sa buong fortress dahil sa pagkawala ng apat na tagapayo at ng Grand Warden.

Napasentido ito't malalim ang paghinga habang pinagmamasdan kung gaano ka-nawasak ang buong kampo nila.

Malaki ang siga sa gitna ng kampo at doon, walang tigil ang paghahakot at pagtatapon ng mga knights ng katawan sa lumiliyab na apoy.

May iba pang nag-aagaw buhay sa gilid-gilid kaya't paroon at parito ang mga manggagamot habang maririnig ang sigawan sa paligid.

Kahit saan ka tumingin. Dugo at patay ang makikita. Mga putol na braso, paa, ulo at kung anu-ano pang parte ng katawan ang nakakalat lang sa lupa. Samaha pa at nagsisimula na rin itong mangamoy kaya't sumigaw ang komander na bilisan na ang kilos.

Puro sulo ang hawak ng mga sundalong naglilibot nang walang tigil sa kagubatan. Nahihirapan man na maglakad sa gitna ng kadiliman, na samahan pa ng pagod sa pakikipaglaban, pinilit nilang kumilos para lang mahanap ang ibang mga bangkay.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now