Chapter 72. COnfessiON and HAtred

68 11 0
                                    

Chapter 72. COnfessiON and HAtred

Third Person's pov

NANG TULUYANG mahigop ang buong katauhan ni Grim. Walang ni kaunting bagay ang naiwan nito sa sahig. Kahit maliit na senyales ng buhay o mahika nito'y hindi maramdaman o makita ng mga taong nakasaksi sa pangyayari.

Kumikislap naman ang itim na bola ng enerhiya nang abutin ito ng mga daliri ng binata at pinagmasdan ng kanyang nag-aasul na mata nang malapitan.

Napangiti ito lalo at isinilid sa kanyang bulsa na nakapamulsa namang humarap kina Ains. "Ano? Ayos ba?" Sabay inosenteng tawa nito.

Hindi makasagot si Alfonso. Ni ang ibuka man lang ang bibig ay hindi na nya kaya. Tila pinipigilan sya ng sariling utak na gumawa ng bagay na maaaring makakasama sa kanya para sa binata.

Tama!

Natatakot si Alfonso sa binatang ito. Higit pa sa isang halimaw ang kapangyarihan at katauhang nasaksikhan nya kani-kanina lang. Ang tumapos ng isang miyembro ng Diablerie nang mag-isa ay talagang kahanga-hanga sa natural na balanse ng mundo.

Kung natuto lang sana ang binatang ito ng ganito ka-lakas na sealing spell noon pa, hindi malabong wala na ngayon sa kasaysayan ang buong Diablerie.

"Ah. Hindi ko inakalang, natututunan nga talaga ang sealing spell kahit wala kang natural na kakayahang taglayin 'yon. Nakakamangha." Bulong ni Aris na nakatitig kay Xzyt.

Napahawak naman ang binatang ito sa kanyang dibdib at namumula na bumulong. "Ito ang unang pagkakataon na binati mo 'ko, Aris. Ang saya ko! Hmmp!" Nagpipigil itong wag sumigaw sa kilig na nakatakip din ang isang kamay sa kanyang bibig.

"A-ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo? Ba't nanginginig ka?!" Alalang tanong naman ng dalaga rito.

"Kailangan ko ng gamot." Sagot naman nito. Umakto syang nahihilo at dahil sa pag-aalala ni Aris at dala na rin ng gulat nasalo agad nya sa braso ang binata. "Sir Ains."

"Pakidala na lang muna sya sa infirmary. Siguradong napagod din sya." Utos ni Ains sa dalaga.

Nagtaka agad si Aris. "P-po? Bakit ako?"

Nag-iwas naman ng tingin si Ains na napahalukipkip. "M-may pag-uusapan lamang kami rito."

"Hindi pa tayo sigurado kung isang kalaban lang ba ang nakapasok. Kaya hindi pa rito nagtatapos ang trabaho." Dagdag naman ni Alfonso.

"Sige na, Aris." Muling lingon ni Ains sa dalaga. Kaya't wala na rin itong ibang nagawa kundi sundin ang utos sa kanya ng guro.

Lahat ng mata ay nakatitig sa binata habang paalis ng bulwagan. Inaalalayan ito ni Aris hanggang sa makalabas silang dalawa ng tuluyan sa silid na iyon.

Nang masiguradong malayo na sila sa pasilyo.

Napabuga naman ng hangin si Kai na bumagsak ang nanginginig na tuhod sa sahig.

Nalingon agad ito ni Ains. "Ayos ka lang?"

"Akala ko talaga tuluyan na syang mababaliw kanina." Bulong ng prinsipe. Halata sa boses na totoong nakahinga ito ng maluwag na tila naka-iwas ito sa malagim na panganib.

Napasapo sa noo si Alfonso na nakapamaywang at mahinang hiyanghiya na natawa. "Hindi ko talaga inakalang natatagalan nyo ang batang 'yon nang hindi nalalagasan ng kasamahan. Mabuti na lang pala at naging mabait ako sa kanya."

"Hoy. Problema nyong dalawa?" Naitanong na lamang ni Ains sa mga ito.

__

Nasa pasilyo pa rin mahinang naglalakad sina Xzyt at Aris nang magtanong ang dalaga. "Ano ba 'yong ginawa mo kanina?"

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang