Chapter 10. Auditorium

142 20 2
                                    

Chapter 10. Auditorium

SA LOOB ng isang madilim na silid. Nakapalibot ang anim na kalalakihan sa isang pabilog na lamesang yari sa malapad na bakal habang ito'y nakalutang lamang sa ere.

Pula ang kanilang suot-suot na kapa't ang natatanging liwanag lamang sa itaas ng mesa ang nagbibigay ilaw sa kanilang mga mata.

Nagsalita ang isa sa kanila habang makikitang nakalapat ang isang palad sa lamesang may pulang dragon na nakaukit sa kanyang braso, tila ba'y isa itong polseras. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, subalit nabalitaan kong may isang kaguluhang naganap sa Pisces-1 section ng akademya."

"Ano namang kinalaman namin dyan kung wala naman kaming impormasyon patungkol do'n." isa pa sa anim ang nagsalitang tila pabalang. Hindi nya gusto ang pagpupulong na ito dahil nasasayang lamang ang kanyang oras.

"Kilala nyo si Conjurer Prean, hindi ba? Isang Level-3 Knight Conjurer na isa sa magigiting nating tauhan sa akademya." muling nagsalita 'yong lalaking unang nagbuka ng bibig.

"Isang hakbang na lang at tuluyan na rin syang mapapabilang sa Elite Conjurers ng buong Hedilli kingdom subalit napatumba lamang ng isang Pisces-1 student."

"Nakakalungkot isipin ang balitang ito."

"Nakakagulat at nakapagtataka."

"Ang dahilan ng pagpapatawag ko sa inyo rito, ay gusto ng pinunong alamin natin kung sino ang estudyanteng gumawa ng gano'ng kagimbal-gimbal na pangyayari."

"Hindi ba't mas mainam kung ang mahinang Prean na lamang na 'yon ang ating kausapin ng direkta?"

"Apat na araw na ang nakalilipas nang mangyari ang aksidente sa kanya. Subalit hanggang sa ngayo'y hindi pa rin ito nagkakamalay."

"Hmm. Hindi ko inasahan 'to."

Isang hampas ng kamay sa mesa ang ginawa ng isa sa kanila't umalingawngaw ang ingay sa buong silid. "Lapastangan ang ginawa ng estudyanteng 'yon, lalo pa sa isang magiting na guro! Nararapat syang magbayad sa ginawa nya."

******

Napapahikab ako kaya't muntik na akong mahulog mula sa aking pagkakaupo. Oops! Hoo! Well, that's close. Binalik ko sa gurong nasa harap ang aking atensyon.

Isa itong babaeng katamtaman lamang ang payat. Nagtuturo sya ng alchemy sa amin ngayon. Sya si Teacher Asaena. Well. Maganda naman. Kaso gaya ng naunang mga guro, hindi ko pa rin mahanap ang paki nila para sa amin. Every single one of them hate our existence na para bang sa bawat tingin nila, parang tinataboy na kami ng mga ito papalayo.

"Ikaw na nasa likuran." Biglang nagsalita ang guro kaya't lahat ay sinundan ang direksyon ng mata nito. And it turns out, lahat sila'y sa akin na nakatitig ngayon. "What's your name?"

"Ako?" I pointed to myself.

"Of course you, saan pa ba ako nakatingin? What's your name?"

"Xzyton Gray."

"Mr. Gray. Since kanina ko pa napapansin ang sunod-sunod na hikab mo malamang pwede kong sabihing natatamad ka na sa klase ko. Tama ba?" may halong panghahamak ang boses nito nang nakataas ang isang kilay.

What did I tell you. She's a witch just like all the other demons out there.

"Well. My apologies ma'am."

"I'll not accept apologies unless you name one example of a poisonous herb I just mentioned earlier. Hindi na kita itatapon sa training ground ng Virgo-3 sections. Let's see kung may maibubuga ka--"

"Deadly Nightshade." mabilisan kong sagot na nagpatigil sa kanya panandalian. Maraming herbs ang pinag-usapan namin kanina at isa lang ang binanggit ko sa mga 'yon.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now