Chapter 68. PLaYFuL STUdenT

68 11 0
                                    

Chapter 68. PLaYFuL STUdenT

Third Person's pov

Makalipas ang limang buwan at dalawampu't-siyam na araw...

NAKABALIK NA sa normal na takbo ang kaharian ng Hedilli.

Nagpatuloy ang klase sa akademya at naroon na rin si Pan na ipinagpatuloy ang pag-aaral nya.

Kakalabas nya pa lang sa kwarto nya nang salubungin naman sya agad ni Darius. Ang ika-anim na prinsipe na may magandang pulang kulay na mga mata.

"Malugod na pagbati para sa pangalawang prinsipe! Dahil sa kanyang katangi-tanging talino at husay sa pagtatapos ng araw ng kanyang pag-aaral sa akademya ng Hedilli, ay pararangalan na bilang isang Level 1 Knight Conjurer sa ngalan ng kamahalang King Saint na kanyang ama! Magpugay!" Sabi nitong tila nagtatanghal sa maraming tao.

Natawa na lamang si Pan at ginulo ang buhok ng kapatid nya. "Tumigil ka nga. Bukas pa ang seremonyas kaya't wag kang masyadong halata na nasasabik ka." Sabay silang naglalakad ngayon sa pasilyo.

"Kung sabagay. Pati ako magiging isang propesyonal na ring sundalo ng kaharian bukas pero bakit Level 3 lang ang ranggong matatanggap ko? Mas malakas naman ako kay Kuya Daizen pero bakit sya nasa Level 2 agad? Hindi 'yon makatarungan!" Tila batang maliit itong nagmamaktol doon.

"Hoy! Anong sabi mong mas malakas? Sige nga kung malakas! Kailan mo pa ba ako natalo sa isang duel, ha?" Biglang sulpot naman din ni Daizen sa gilid.

Sinamaan naman sya agad ng tingin ni Darius. "Wala! Dahil pinagbibigyan lang naman kita."

"Nagdadahilan ka pa."

"Gusto mong subukan? Sa pagkakataong ito seseryusuhin na kita! Wag kang umiyak kapag napahiya ka." Sigaw ni Darius dito.

Ngunit mapang-asar lamang itong nginisihan ni Daizen. "Sigurado ka? Eh para ka na ngang naiiyak diyan kahit hindi pa tayo nagsisimula eh."

Hanggang sa akbayan sila pareho ni Pan na natatawa. "Ano ba kayo. Para naman kayong bata. Alalahanin nyong maraming nakatingala sa inyong mga estudyante. Isa pa, magiging ganap na Knight Conjurers na tayo. Tsaka na kayo magpatayan kapag tapos na ang seremonyas."

Gaya nga ng sinabi ni Pan. Marami nga ang nanonood sa kanila habang dumadaan sa campus ground ng akademya. May iilan pang nakayuko sa tuwing nadadaanan nila.

At sa isang gilid naman. Nakatayo roon ang nakapamulsang si Sai. May berdeng mata at ang ika-apat na prinsipe ng Hedilli. "Kung anu-ano na lang talaga ang bagay na lumalabas sa bibig nyo, Kuya Pan. Hindi namin alam kung mabuti ba o masama ang intensyon mo sa tuwing nagsasalita ka."

Nakangiti lang si Pan na tinuro si Sai at sumagot. "Ano ka ba! Syempre, kuya nyo 'ko, kaya't dapat hindi kayo magduda sa mga payo ko dahil sigurado akong makabubuti naman 'yon sa inyo."

Napaismid si Sai na nag-iwas ng tingin bago umalis. "Ewan ko sa 'yo."

"Pagkatapos ng seremonyas, hanapin mo 'ko. Tuturuan kitang uminom!" Habol pa ni Pan.

"Aasahan kita!" Sigaw din pabalik ni Sai kaya't natawa na lamang si Pan.

Sa loob ng opisina ni Headmaster Wyain. Abala ang punong-guro sa mga tambak na papeles sa mesa nya nang may marinig itong katok sa pinto. "Pasok."

Niluwa ng pintuan si Romer habang may dala pang karagdagang mga papeles at nilagay sa tambak ding mga papel doon. "Ito na po ang lahat ng bagay na kailangang matapos ngayong araw." Maikling saad nito tsaka nagbalak na ring umalis.

"Sandali lang." Ngunit pinigil din ito ni Wyain. Inalis ang salamin sa mata, kinusot 'yon sandali bago nagpatuloy. "May dumating na balita sa 'kin kahapon nalimutan kong ipaalam sa 'yo."

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now