Chapter 26. Ben-Moab

125 14 1
                                    

Chapter 26. Ben-Moab

Third Person's pov

MALAKAS NA ang sikat ng araw. Tumama ang ilaw na ito palagpas sa nakabukas na balkonahe hanggang sa isang kama kung saan nakahiga ang prinsesa.

Umungol itong nakakunot ang noo dahil sa pagkakasilaw. Hindi nagtagal marahan nitong naibuka ang makukulay na berdeng mga mata.

Unang anim hanggang pitong segundo nang pagmulat nya't nakatitig sa kisame ay blangko lamang ang utak nya. Subalit di kalaunan ay doon na bumalik lahat ng alaala nya tungkol sa nangyari kagabi.

Napapahagulhol itong bumangon ng upo sa kanyang kama. Ipinagdarasal na sana'y isa lamang 'yong napakasamang panaginip. Ramdam na ramdam nya ang sakit. Ang imahe ng kanyang ama na nakahandusay sa pasilyo't naliligo sa sarili nitong dugo.

Ang pugot na ulo naman ng kanyang inang reyna na naging dahilan upang mawalan sya ng malay at wala nang maalala sa mga nangyari. Para sa isang batang kagaya nyang walang karanasan sa masasamang bagay na gaya nito'y hindi sya sigurado kung paano nya ito matatanggap sa murang edad pa lamang.

Bumukas ang pintuan sa silid at niluwa roon ang dalagang may mapupulang mata. Nang maangatan nito ng tingin ng prinsesa, mas lalo itong naiyak na tinawag ang dalaga sa mahinang boses. "Ate Aris~"

Malungkot ang ngiting tugon ni Aris at mabilis na nilapitan ang prinsesa't binigyan nya ng mahigpit na yakap ang munting dalaga.

Habang umiiyak ito sa kanyang silid, nasa labasan naman din si Xzyt, nakasandal sa pader na nakapamulsa at humihikab.

--

Samantala. Sa labas mismo ng palasyo. Magkatabing nakatayo sina Ains at Kai. Pinagmamasdan ang paligid kung saan dapat masaya ang mga tao subalit dahil sa masamang balitang kanilang narinig ay talagang nalugmok ang lahat.

Ang dapat sana'y masagana at masayang pagdiriwang sa kaarawan ng mahal na hari ay talagang nauwi na lamang sa hinagpis at kalungkutan. Gaya nina Ains. Gusto ng mga mamamayan na sana'y nahuli at naparusahan ang mga taong may gawa ng krimeng ito, subalit sa kasamaang-palad ay hindi gano'n 'yon kadaling gawin ang ninanais ng lahat dahil ang mismong mga taong gumawa ng gulong ito'y mga Conjurer Assassins na kilala rin sa tawag na Diablerie; o mga conjurers na gumagamit ng maiitim na mahika upang gamitin ito upang magpalaganap ng gulo saan mang sulok ng mundo.

Kumikilos dahil lamang sa salapi at kapangyarihan. Tumutugon sa mga kliyenteng may gustong ipapatay at wala silang pakialam kung kaaway o kakampi ang hihingi sa kanila ng pabor na 'yon. Ang mahalaga ay may kapalit na bayad ang buhay na kikitilin nila, at ni minsan ay hindi pa sila nabulilyaso sa pagpatay at pagtakas sa mga lugar na pinapasukan nila.

Maliban sa gabing ito dahil sa malas nila'y nakasagupa nila si Ains at ang bago nitong mga kasamahan.

"Noong una kong marinig ang salitang 'Diablerie'. Inisip kong nasa libro lamang ang mga 'yon at hindi sila totoong mga uri ng conjurers na nabubuhay talaga sa mundo natin." saad ni Ains. "Buhay at aktibo na ang grupong 'yon no'ng prinsipe pa lang ang hari ng Hedilli. Palagi rin itong kinukuwento sa akin ng ama ko. Matagal ko na silang hinahanap para talunin. Ang problema lang, kahit anong subok ko, puro maliliit lamang na bakas nila ang nakikita ko."

Nilingon ni Kai si Ains. Katulad ng gurong ito, interesado rin ang prinsipe sa grupo ng Diablerie. May masalimuot syang nakaraan sa grupong ito noon kaya pati sya'y nais ding tapusin ang paghahari ng mga iyon sa mundo. "Iba-iba ba ang pinuno ng grupo nila?"

Dahil matagal na ang grupong ito. Iniisip ng lahat na nagiging pamana sa dating pinuno ang grupo dahil wala itong tigil kahit ilang daang taon pa ang lumilipas.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now