Chapter 58. HeLPING HAnd

86 11 0
                                    

Chapter 58. HeLPING HAnd

Third Person's pov

NAPUNO NG usok at bitak ang lupang pinaglalabanan nilang dalawa. Halos kalahati na rin ng mansyon ay wasak na dahil sa pagkakadamay nito sa nangyayaring kaguluhan na gawa mismo ng dalawang nilalang na ito.

Ang mga tao sa labas ng lupa ng mansyon ay nababahala na rin. May iba na lumalabas na ng kanilang tahanan. Ang iba ay nakasilip sa bintana, kinakabahan sa kaloob-looban habang puro tanong ang nasa kanilang isipan.

__

Samantala.

Isang malinis at mabilisang suntok sa sikmura ang natanggap ni Prinsipe Andrei upang mapabuga ito ng dugo.

Ang suntok ay may kasamang kidlat kaya't halos mabutas ang katawan nito sa matinding epekto no'n sa kanya.

Hindi ito tinigilan ni Xzyt. Tila pinaglalaruan nya ang buong parte ng mukha ng prinsipe sa pamamagitan ng sunod-sunod na mabibilis na mga suntok at sipa mula sa magkakaibang direksyon.

Ngunit sa kabila ng pinsalang tinatanggap nito'y nagawa pa ring mapangisi ang prinsipe at saktong nahuli ng dalawang kamay nito ang isang paa ni Xzyt, at gamit ang puting kidlat, mas pinabilis nito ang kilos na inihambalos ang buong katawan ni Xzyt sa lupa sa likuran nya.

Napakalakas at napakalawak na bitak ang nangyari roon. Hindi nakuntento ang prinsipe at sinubukan nya pang tadyakan sa sikmura si Xzyt ngunit naiharang agad ng binata ang dalawang braso't kumalat ang enerhiyang dala ng atake ng prinsipe dahilan upang mabitak ang lupa sa kanilang paligid kasabay ng bugso ng kidlat at hangin.

Pero hindi roon tinapos ng prinsipe ang lahat, dahil sinubukan nya pa ring ginamit ang kanang kamao't walang takot na ipinabulusok ito ng suntok sa mukha ng kanyang nakahigang kalaban, subalit naihilig din ni Xzyt ang leeg kaya't diretso sa lupa ang suntok na nagpakawala ulit ng napakalakas na enerhiya ng kidlat.

Kasabay no'n ay ang mabilis na kilos ng katawan at paa ni Xzyt na sa kalahating segundo lang ay nasipa na nito pagilid sa tagiliran ang prinsipe na naging dahilan upang kidlat din sa bilis itong napatalsik papalayo.

Bumangga sa isang pader ang katawan nito't nagpawasak doon at muli, nakapasok sa isang pasilyo ng mansyon ang prinsipe.

Bumangon ito. Kasabay ng paglutang ng mga piraso ng sirang pader, sahig at mga bubog sa paligid nya. Ginagamit nito ang isang makapangyarihang mahika na nagpapalutang sa bagay na nais nito.

Kasabay no'n, ay kidlat sa bilis na lumitaw si Xzyt sa likod ng prinsipe. Sinubukang suntukin sa batok si Andrei subalit naihilig din nito ang ulo. Pagilid na wasiwas ng paa ni Xzyt ang sumunod na atake sa leeg ng prinsipe ngunit naiyuko lang din ng huli ang katawan.

Sinundan pa iyon ng mabibilis na atake ni Xzyt subalit hindi nya natatamaan ang prinsipe. Hanggang sa humarap si Andrei rito, yumuko upang ilagan ang diretsong suntok sa kanya ni Xzyt, sabay kidlat sa bilis na sinampal ng palad na nababalot ng enerhiya ang sikmura ng binata.

Nayanig ang buo nitong katawan, sa loob man o sa labas. Kumalat ang enerhiya't nagpakawala ng mabagsik na hangin sa paligid na nagpabitak sa pasilyo bago tumalsik si Xzyt papalayo.

Ngunit nawala ang presensya nito sa gitna ng pagkakatilapon ng binata. Napakunot ang noo ng prinsipe at sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, lumitaw muli si Xzyt sa likuran ni Andrei at mabilisang suntok sa batok ng prinsipe ang kanyang pinakawalan.

Ngunit ngising naihilig lang din ng prinsipe ang leeg kaya't napakalinis na lumagpas ang atake ng binata.

"Sabihin mo nga, matatalo mo ba talaga ako sa ganito?" Bulong ng prinsipeng tila inaasar na nilingon si Xzyt.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now