Chapter 43. Showdown

119 17 2
                                    

Chapter 43. Showdown

Third Person's pov

MAGULO. 'Yan ang takbo ng utak ng tatlong ito ngayon ngunit hindi nila ito ipinapahalata sa kanilang mga mukha habang nakatitig sa binata.

Ang inakala nilang patay na ay muli silang hinarang at binati na may ngiti sa mga labi. Tila parang wala man lang nangyari sa kanya.

"Ano bang nangyayari rito?" tanong ni Oscar sa sarili na may magkahalong inis, takot, at pagkalito.

"Kung gano'n hindi sya namatay sa atake natin kanina?" sabi ni Rafael.

"Imposible," dugtong naman ni Greg. "Malinaw na namatay sya kanina."

Napalingon naman si Oscar dito. "Pero sya ba talaga ang napatay natin? Paano kung..."

"Isang mahika." si Rafael na ang tumapos sa sasabihin nito.

Umiling din naman agad si Greg na matalim ang titig kay Xzyt. "O isa lang 'yong ilusyon."

"Paanong ang kagaya natin ay mahuhulog sa gano'ng klase ng panlilinlang? Masyado 'yong imposible!" bulyaw ni Oscar na tinuturo ang binata. "Nakalaban nyo na sya kanina at napatay. Sa lakas nating tatlo sisiw na sa ating ulitin ang bagay na 'yon at mas madali na lamang ito."

"Pero paano kung isa lang din syang piraso ng mahika ng binatang 'yon?" napahawak sa baba na saad naman ni Greg. Matapos ay huminga ito ng malalim. "di bale. Malalaman din naman natin 'yan hindi katagalan."

"Masyado ka yatang nagiging agresibo, panginoon." napalingon si Rafael dito na nagsalita.

Muli. Napabuga ng hangin si Greg. "Kailangan kong makausap si Prin sa lalong madaling panahon. Wala akong oras para makipaglaro sa mga batang kagaya nito."

Hinayaan ni Rafael na tumama ang dulong bahagi ng espada sa lupa mula sa pagkakasablay nito sa kanyang balikat. "Kung gano'n tapusin na natin agad ang mayabang na batang ito."

Nilinis ni Xzyt ang tainga gamit ang hinliliit nya, habang nakapamulsa. "Tapos na ba kayo? Gusto nyo lang yata akong mabagot dito e."

Sa sandaling 'yon ay naglabas ng daan-daang dark daggers sina Greg at Oscar mula sa ere. At walang pasabing ipinabulusok ang mga ito kay Xzyt.

Sa bilis nito'y kahit doblehin pa ng binata ang protective energy sa katawan, hinding-hindi nya ito kayang pigilan kaya't maliksi ang kilos nyang iniwasan na lamang ang lahat ng ito.

Putol ang mga kahoy at bumagsak sa lupa sa sobrang lakas ng bulusok ng mga daggers sa kanya. Malalakas din ang bitak ng lupa sa tuwing natatamaan ito ng daggers hanggang sa sinalo ni Xzyt ang dalawa sa daggers na 'yon.

Sinimulan nyang gamitin ito upang salagin at patalsikin papalayo ang ibang daggers habang umiiwas sa kaparehong sandali kaya't naiinis si Oscar na mas dinamihan pa ang dark daggers na pinapabulusok nya rito. "Tikman mo 'to!"

Halos walang espasyo upang ilagan ni Xzyt ang bugso ng daggers ngayon sa kanya na isali pa ang bilis ng mga pagbulusok ng mga ito.

Subalit imbes na matakot o mangamba, ngumisi lang ang binata kay Oscar, "Heh!, 'yan lang ba ang kaya mo?" sabay taas ng kamay at ibinagsak ito sa lupa na sinabayan din ng napakalakas na buga ng kidlat mula sa kalangitan tungo sa mismong harapan ni Xzyt.

Sumabog ang lupa't nagtalsikan ang bitak ng lupa sa paligid kasabay din ng pagkalat ng kidlat at bugso ng hangin kaya't nagtalsikan din papalayo ang mga dark daggers.

Napamaang ang bibig ni Oscar sa gulat na napalitan din agad ng pagngalit sa sobrang inis. Habang nababalot naman ng kidlat ang katawan ni Xzyt na nakangiti sa kanila.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon