Chapter 15. Bookworm

112 20 1
                                    

Chapter 15. Bookworm

Third Person's pov

"BAGO NATIN simulan ang laban. Ipapaliwanag ko muna ang mga patakaran." paunang saad ni Ains. "Unang-una sa ating listahan, sa sandaling magsimula na ang mga laban. Ako lang ang tanging pupwedeng mag-desisyon sa lahat kahit ano pa mang mangyari. Kung kung sino man ang gustong suwayin ako ni isa sa mga kalahok, kaagad silang mawawala sa paligsahan at mabibigyan ng mabigat na kaparusahan."

"Pangalawa. Ang bawat kalahok ay may pag-asang makapaglaro ng tatlong beses sa arena. Kapag nagkaroon kayo ng mas maraming panalo sa mga labang 'yon, aakyat agad ang natitirang dalawa sa final match at kung sino man ang mananalo sa unang beses na 'yon, siya agad ang tatanghaling kampeon sa buong paligsahan. Maliwanag ba?"

Napabuntonghininga si Kai at sumandal sa likod. "Nakakaasar. Ba't pa ba kasi ako nandito?"

"Ayaw mong nandito ka? Bakit ka kasi pumunta?" sabat ni Xzyt.

Gusto mang patulan ito ni Kai. Alam nyang sa kanilang dalawa ay sya ang mauunang masisiraan ng ulo.

"Kaya't 'wag na natin itong patagalin pa." itinaas muli ni Ains ang kamay. "Para sa unang laban ay sa pagitan ng Aries Section, laban sa Pisces Section."

Ang lahat ay nabigla sa kanilang narinig. Napasingkit ang mata ni Ryuzen.

"Anong...?" tanong ng iba na naguguluhan.

"Tama ba ang narinig ko?"

"Paano naging patas ang labang 'to?"

"Hindi 'to magandang simula para sa Pisces Section."

"Walang pag-asa ang section na 'yan sa Third Prince!"

Napabuga ng hangin si Xzyt. Ngumisi ito't nagkatamaan sila ng titig ni Ains.

Ngunit seryoso ang guro'ng ito sa kanyang sinabi at kalmadong hinihintay ang dalawang estudyanteng lumapit mismo sa arena.

Samantala. Seryoso ring nanonood ang headmaster mula sa upuan nito habang todo komento rin ang noble heads sa kanyang tabi.

"Pa'no ba 'yan, Dyle. Siguro nga'y hindi na namin magiging kasalanan ang tuluyang pagbagsak mo."

"Kung sanang nakinig ka na lang dapat sa simula pa lang, edi may pag-asa ka pang maibalik ang yamang nawala sa 'yo."

Sabay tawanan nila ang umalingawngaw at hindi naman maipinta ang ekspresyon sa mukha ngayon ni Dyle.

Sa kanyang hindi mapigilang emosyon, akmang tatayo na sana ito upang umalis, agad syang hinawakan sa pulso ng kanyang katabi. Nangunot ang noo nyang tumingin dito. "Headmaster Wyain?" naguguluhan itong sambit.

Hindi lumingon sa kanya ang headmaster. Hindi nagtagal, nagsalita rin ito sa marahang boses. "Bilang pagbibigay galang sa okasyon at sa kamahalan. Pakiusap, hayaan mong matapos ang paligsahan bago ka umalis."

Malalim na napabuga ng hangin si Dyle at naupo na lang din.

"Ano bang iniisip mong bata ka? Talaga bang gusto mong ipahamak ang batang 'yan at ng mga taong nasa paligid nya?" walang nakarinig sa bulong ng headmaster.

Sa Royalties. Natatawa si Pan dahil sa kanyang narinig. "Aba aba. Mukhang hindi nga ako mababagot sa paligsahang ito a."

Ngumisi si Daizen at pinagsangga ang palad at kamao nyang titig na titig sa binatang si Xzyt na naglalakad palapit kay Ains. Ang isang kamay ay nasa bulsa at ang isa naman ay hawak ang nakabukas na libro at doon lang ang kanyang atensyon.

"Nagkakamali si Sir Ains sa naging desisyon nya. Kahit ano pa mang mangyari, mamamatay ang binatang 'yan ngayon mismo sa lugar na 'to." matigas nitong sambit nang may umuusbong malakas na enerhiya mula sa katawan na tila sabik na sabik na sa magiging laban nito.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now