Chapter 65. THe MasTer

66 10 0
                                    

Chapter 65. THe MasTer

Third Person's pov

SA ISANG balkonahe.

Tahimik na nakaupo ang emperador sa tabi ng puting mesa. Nakaharap ang emperador sa maaliwalas na umaga habang nagkakape nang pagbuksan ng isang kawal ang pintuan ng kwarto.

Pumasok sa silid ang isang lalaki at huminto sa bandang gilid tsaka magalang na yumuko sa mahal na emperador. "Pagbati sa inyo, Emperor Moon. Nais nyo raw po akong makausap, kamahalan?"

"Ah. Ginoong Ains. Nandito ka na pala. Halika! Maupo ka muna at samahan ako ritong mag-tsaa." Aya naman ng emperador nang hindi na lumingon sa binatang guro, bagkus ay iginiya nya na lamang ito sa upuang nasa kabilang bahagi ng mesa.

"Subalit, kamahalan."

"Wag ka nang mahiya pa. Minsan mo na ring naging ka-trabaho ang puno ng mga kawal ko rito kaya't wala ka nang dapat na ipag-alala pa."

Walang nagawa ang binatang guro at naupo na rin doon. May kawal na lumapit sa kanilang mesa at ito na mismo ang naglagay ng mainit na tubig sa tasa ni Ains.

"Ako na. Salamat." Ngiti nya namang tanggi at sya na ang naglagay ng asukal doon.

Humigop ang emperador bago nagsalita. "Ang binatang 'yon. 'Yong isang estudyante mong puti ang buhok. Ano nga ulit ang pangalan nya?" Nilingon nya si Ains na napatikhim din naman.

"Ah. Xzyton Gray. Kamahalan."

"Xzyton Gray! Xzyton, Xzyton. Xzyton. Hmm." Tila orasyon na bubulong-bulong ng emperador na muling pinagmasdan ang kalangitan.

Pinagmasdan ito ni Ains. "Bakit po? May, problema po ba kayo sa batang 'yon? Kung meron po, gusto kong humingi agad sa inyo ng kapatawa-"

"Hindi hindi." Iiling-iling agad ng emperador na tanggi. "walang problema sa akin ang binatang si Xzyt. Ang totoo nyan, wala akong masabi bukod sa masyadong kakaiba ang batang 'yon."

"Kung gano'n, bukod po sa kakaiba sya, ano pa po ang napapansin nyo sa kanya?" Tanong ni Ains. Nagsisimula na syang kumalma ngayon. Salamat sa masarap na tsaa na iniinom nya.

Napahimas sa bigote ang emperador. "Hmm. Maliban sa kakaiba ang ugali nya, kakaiba rin maski ang pangalan nya. Medyo pamilyar at naaalala ko sa kanya ang isang prinsipeng namayapa ilang libong taon na ang nakararaan. Balita ko'y nakatayo pa rin ang puntod nya sa isang bundok ng GryndeForest pero ano pa bang silbi no'n sa usapang ito. Bukod naman sa bagay na 'yon. Napapansin kong may itinatagong napakaitim na enerhiya sa katauhan ng binatang si Xzyt.

"Para bang, isa 'yong napakalalim at napaka-seryosong sikreto na pilit nyang itinatago sa lahat habang nagpapakilala sa mundo bilang si Xzyton Gray. Isang masayahin at misteryosong brown knight conjurer mula sa kaharian ng Hedilli na hindi nasusukat nino man ang tunay na kakayahan," tinuro nya si Ains bago nagpatuloy. "at higit pa ro'n, isa sya sa estudyante ng tanyag na manggagamot na si Ains Argorn. Ang kamangha-manghang binatang knight conjurer na nasaksihan ng mundo. Halos kilala ka na ng buong dalawang kontinente alam mo ba 'yon?"

"Naku, masyado naman po kayong mapag-puri, kamahalan."

Ngumiti ang emperador at inabot ang balikat ni Ains. Maliit ang mesa sa pagitan nila kaya't hindi ito nahirapang abutin ito bago nagsalita sa seryosong boses. "Dahan-dahan. Nag-iiba ang takbo ng mundo nating ito, Ains. Si Andrei ay palihim na nagiging matigas at lumalakas sa ilalim ng pamamahala ko. Habang ako naman ay pahina nang pahina bawat araw."

"Ano po bang gusto nyong sabihin, kamahalan?"

"Hindi magtatagal. Magbabago rin ang takbo ng lahat ng ito. Pero hindi ako mag-aalala, alam mo ba kung bakit? Dahil nandito kayo. Ang mga estudyante mo, lalong-lalo na si Xzyt." Halos pabulong nyang sabi rito. "Ang digmaan ay babalik at babalik. Dahil kahit kailan, hindi nagkaroon ng kapayapaan ang mundong ito."

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now