Chapter 16. Interruption

130 17 4
                                    

Chapter 16. Interruption

Third Person's pov

MULA SA kumpol ng mga manonood. Seryosong-seryoso ang mukha ng dalagang si Aris habang nakatingin sa binatang si Xzyt.

Imposibleng hindi sya mamangha sa labang ipinakita nito subalit sa lahat ng ayaw nya sa mga tao ay 'yong mga binabalutan ng sobra-sobrang yabang sa katawan.

Ibig sabihin. Interesante lamang ito sa kakaibang lakas na taglay ng binata subalit kinasusuklaman naman nito ang ugali ni Xzyt.

"Young lady Aris. May problema po ba?" biglaang naputol ang mahabang pag-iisip ng dalaga nang magtanong naman sa kanyang tabi ang babaeng tagabantay nya.

Nilingon ng dalaga ang tagabantay at nagsalita. "Wala naman. Bakit mo naman natanong nang biglaan?" tsaka binalik sa arena ang titig.

"O baka meron ngang problema." bulong muli ng dalaga habang nakasingkit ang mga mata. Masama ang kutob nya sa lalaking ito mula pa no'ng una nya itong makita. Sa malawak at mala-inosenteng ngiti ng binatang 'yon, alam nyang may mas madilim na budhing nagtatago sa lalaking ito. At kahit ni isa'y hindi gugustuhing makita kung ano man ang bagay na 'yon.

Mula sa Royalties.

Malakas na hampas namn ng kamao ni prinsipe Gerald—Fifth Prince ang nagpabitak sa armrest ng upuan nya. Tiim-bagang na tinitigan si Xzyt mula sa malayo at tila ba'y para na itong bulkang kahit anong oras ay pwedeng-pwede nang sumabog.

"Ang taong 'yan. Anong karapatan nya para ipahiya ang kapatid natin?! Magbabayad sya! Mawalang-galang na, Kuya Ryuzen," tumayo ito't humarap sa direksyon ng pinakaunang prinsipe. Napalingon sa kanya ang lahat ng prinsipe, maliban kay Ryuzen. "Sa inyong mahal na utos, hayaan nyong ako ang ipalit nyo sa loob ng paligsahan. Pangako, babawiin ko ang karangalang nawala mula sa kanya."

Napataas ang isang kilay ni Pan at malawak ang ngising bumulong. "Nagpapasikat ka na naman ba, Prinsipe Gerald? Patatawarin kita agad kung mananahimik ka na lang diyan sa upuan mo. Ang pinaka-ayaw ni Ryuzen sa lahat ay 'yong inuutusan sya. Alam mo 'yon, 'di ba?" pabulong na sinabi ni Pan ang mga huling pangungusap na 'yon.

Alam ni Gerald ang bagay na 'yon. Subalit sa katigasan ng ulo at sobrang pagmamalaki sa sarili, hindi nya napigilang suwayin ang bagay na 'yon dala na rin ng bugso ng damdamin. Isa siyang makasariling prinsipe.

Natahimik sya. Napatingin sya sa gawi ni Ryuzen subalit kahit kaunting senyales na pinakikinggan sya nito'y wala syang mapansin ni katiting na pagbabago sa ekspresyonn nito.

Kaya't napaupo na lamang ulit ang napahiyang prinsipe at nagpupuyos sa galit nang palihim doon.

Napabuntong-hininga si Pan. "Pasensya ka na. Hayaan mo. Mas didisiplinahin ko pa sila pagkatapos nito." saad nya kay Ryuzen.

"Ginagawa ang bagay na 'yan. Second Prince Pan," sa pagkakataong ito'y bahagyang lumingon sa kanya si Ryuzen gamit ang mga mata lamang nito. "Hindi lang puro salita."

Napakuyom sa sariling dibdib si Pan at umaktong nasasaktan sa parteng 'yon. "Kung sanang maibabalik ko pa ang panahon kung saan masasaya pa tayong pito na naglalaro sa hardin ng ating kaharian. Gagawin ko na sana. Nakakadurog ka ng puso, kapatid kong prinsipe."

"Magseryoso ka, Pan."

"Oo na, oo na. Alam ko na 'yon. Kailan ba ako nagbiro sa mga ginagawa ko?" malawak na ngising tugon ni Pan na sumandal sa backrest ng kanyang upuan.

Gamit ang kapangyarihan ni Ains. Sampung segundo lang ang lumipas at tuluyang gumaling ang mga pasa sa katawan ni Daizen.

Nang maalala nito ang mga nangyari, galit itong tumayo at diretso ang tingin kay Xzyt. Akmang susugod ito sa binata subalit hinawakan sya sa balikat ni Ains.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon