E P I L O G U E

103 9 1
                                    

E P I L O G U E

DALAWANG TAON ang lumipas.

Mula nang matalo ang Diablerie. Naging mapayapa na rin ang dalawang kontinente sa bagsik na hatid ng grupo ng mga bandidong iyon.

At sa tulong ni Ains kasama ang buong pwersa ng Hedilli, sila mismo ang nagpakalat ng balita na si Xzyton Gray ang nagligtas sa kanilang lahat kahit na hindi nila malaman kung buhay pa ba o patay na ang binata kasama ng grupo ng bandidong iyon.

Bukod do'n, makikita sa bawat bayan at kaharian ang isang estatuwa ng binata upang igalang ang kagitingang hatid nito sa kanilang lahat.

Isang araw. Nagdiwang ng ka-piyestahan ang Hedilli.

Sa kalagitnaan ng kasiyahang iyon dalawang nakatalukbong na lalaki naman ang pumasok sa bayan na ito.

Dumiretso sila sa tarangkahan ng palasyo at tinanong agad sila ng mga guwardiya tungkol sa kanilang pagkakakilanlan.

At nang alisin nilang dalawa ang mga talukbong upang ilahad ang mga mukha at magpakilala, ay siya rin namang pagkagulat ang makikita sa mukha ng mga guwardiya't napayukong binuksan din agad ang tarangkahang iyon ng palasyo.

Muli naman nilang ibinalik sa ulo ang talukbong at binalaan ang mga guwardiya na wag munang ipagsabi ang pagdating nila.

Dumaan silang dalawa sa hardin ng palasyo kasama ang isang kawal na gumigiya sa kanila.

Nang marating nila ang pinto, ang bulwagan agad ng palasyo ang bumungad sa kanila. Maraming panauhin sa loob. Magagara ang kasuotan at nagkukuwentuhan lamang.

Dahil sa hindi naman kapansin-pansin ang suot ng dalawa, dire-diretso lamang ang lakad nila hanggang sa makaakyat sa pangalawang palapag nang hindi nabibigyan ng atensyon.

Sa tahimik na pasilyo. Ilang liko rin ang kanilang ginawa bago narating ang tahimik na silid kung nasaan ang trono ng namayapang si King Saint.

Napalunok ang guwardiya nang humarap sa kanya ang dalawang ito nang makapasok sila.

"T-tawagin ko lang po ang Headmaster ng akademya. Gaya ng utos niyo." Tsaka na rin umalis ito roon habang isinasara ulit ang pintuan bago nagmamadaling umalis.

SA OPISINA ng headmaster. Isang sunod-sunod na katok ang kanyang narinig mula roon. "Pasok." Hindi na niya inabala pang alamin kung sino ang taong nasa labas dahil nasa mga papeles ang tingin niya.

Bumukas ang pinto at isang kawal ang dumating. Nagpugay ito bago nagsalita. "Ahm. Paumanhin po. Pero, kailangan niyong makita ang panauhin sa palasyo."

Naangat ni Ains ang tingin sa lalaki habang nagbibigay ng kuryusong titig. "Panauhin? May pangalan ba siya?"

"Ahm. Dalawa po sila. At nandoon sila ngayon sa silid ng trono ng hari naghihintay sa inyo."

"Sino sila? Anong pangalan?" Tanong ulit ni Ains.

Ilang minuto ang nakalipas.

Mabilis na tumakbo si Ains papalabas ng opisina niya.

Nakasalubong niya si Aris sa pasilyo na may dala-dalang papeles. "Ah. Headmaster Ains. Ito na po raw 'yong-"

"Mamaya na muna 'yan, sumunod ka!" Nilagpasan niya ang dalaga habang humahabol din ang kawal.

"Bawal tumakbo sa pasilyo!" Sigaw ni Aris ngunit hindi siya pinakinggan ng dalawang ito kaya't dahil sa kuryusidad, naki-takbo na rin siya sa mga ito.

Kakapasok pa lamang ni Kai mula sa akademya nang makasalubong din niya si Ains.

Nagpugay si Kai rito.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt