Chapter 1. Xzyton Gray

348 25 4
                                    

@endie_campz

Chapter 1. Xzyton Gray

NAPABUNTONG-HININGA AKO'T itinaklob sa mukha ang mabigat na librong hawak-hawak ko. Sa wakas natapos ko na rin itong basahin after weeks and weeks of reading without skipping even a little bit.

Why would I skip it, kung interesante naman di ba? Pero kasi, kahit maganda ang kwento sa libro, nakakalula pa rin itong tingnan kung gaano ito kakapal. Almost 5,000 pages yata 'to. And all of the letters within it, is so tiny na kailangan ko pang gamitan ng magnifying glass para lang malinaw na mabasa 'yong ibang letra.

I tried sleeping, with my head over my reading table but due to the suffocating heat inside my rubbish room, napilitan akong tumayo't inis na napabuntong-hininga. Nag-ipon ng hangin sa bibig at namewang sabay, "Haaaaahhh! Nakakainis! Ang init-init ng bahay na 'to, tapos wala pa akong masarap na makakain, nagugutom na ako!" walang pagpipigil kong sigaw na halos maririnig yata ng buong village sa sobrang lakas.

"Hoy señorito! Kung wala kang matinong magagawa ryan sa kwarto mo, bumaba ka rito at tumulong kang maghanap-buhay!" as usual. My father shouted back from the first floor. And yes. Kahit commoners lang kami, may second floor ang bahay namin. 'Yon nga lang, butas-butas.

Pero imbes na sumunod, napangiti pa ako't ipinadyak nang sunod-sunod ang dalawang paa sa sahig habang paikot-ikot na naglalakad lang do'n. "Ano 'yon, tay?! Hindi ko kayo marinig. Ang ingay kasi rito. May lindol yata?" tapos ay loko-loko akong humagalpak ng tawa mag-isa.

And then out of knowhere, a spear came blasting up from the floor where I'm supposed to step on kaya't gulat akong natigil sa ginagawa't nayakap ang sariling paa sa takot. Muntik na ako ro'n. Another butas na naman sa bahay namin. And yeah, si tatay lagi ang bumubutas sa bahay namin.

Nahugot ang spear mula sa sahig at hindi nagtagal, narinig ko ang mabibilis na yabag ni tatay sa hagdanan. Oh shit! Here comes the first combat of the day!

Padabog na nabukas ang pinto't niluwa mula ro'n ang isang kayumangging lalaki, may kunting balbas sa mukha't medyo nakakalbo na. Nakasuot ng simpleng gusot na pantalon at boots. Pati shirt na puno ng tahi sa sobrang kalumaan.

Kayumanggi rin ang kulay ng mga mata nya. And if you'll look at it closely, makikita talagang hugis hourglass ang mata nyang 'yon. Pero kahit classified as normal hourglass ang taglay nyang mata, hindi pa rin maikakailang mahusay sya sa pakikipaglaban. Especially with swinging those spears.

"Oh, tay! Anong atin?" patay-malisya kong tanong habang nakangiti.

Ngunit tila ligaw na hayop itong tumakbo palapit sa 'kin nang nanlilisik nyang mga mata habang mahigpit ang hawak sa spear. "Ikaw bata ka, kung sanang napatay na kita no'ng sanggol ka pa lang ginawa ko na sana!" sabay mabilisang saksak ng spear sa dibdib ko ang kanyang ginawa.

Subalit nailagan ko lang ito sa kunting galaw sabay kindat kay tatay na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. "'Wag mo 'kong paglaruan, halimaw ka!" tuloy-tuloy nyang pinakawalan ang mabibilis na wasiwas ng sandata ngunit akin itong naiilagan lahat nang walang kahirap-hirap.

Nag-ingay ang buong bahay dahil sa malalakas na pagkakahiwa ng pader, pagkabitak ng pundasyon at pagkalalag ng mga ibang bahagi ng aming sahig. Ang minsan nang nahati sa dalawang aparador ko'y saktong nahiwa na naman nya ulit kaya't bumagsak ito sa sahig.

"Tatay naman! Kaka-ayos ko lang sa aparador na 'yan kahapon eh!" nagawa ko pang reklamong sigaw sa kanya bago sinampal pabalik sa kanya ang bulusok ng spear. Napigil nya ito ng isang palad bago dumampi't mag-iwan ng marka sa mukha nya tsaka muling sumugod.

"Kung nasira, ayusin mo ulit! Hangal!" sigaw nya't mabilisang mahihiwa na sana ang reading table ko kung nasaan ang libro, kaya't mabilisan kong nasipa sa isang corner ang mesa na 'yon at diretso sa sahig ang spear.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now