Chapter 80. Premature War Part 1

44 8 1
                                    

Chapter 80. Premature War Part 1

Third Person's pov

Dalawampung minuto, bago ang pagtatagpo ni Wyain at Xzyt...

WASAK NA bayan agad ang bumungad sa mga mata ni Xzyt sa sandaling natapos niya ang spell upang makapunta rito ng mabilis mula sa kabilang kontinente.

Sa unang tingin pa lamang. Ramdam na niyang nahuli na siya ng dating.

Pumasok siya sa tarangkahan ng bayan at sunog na mga kabahayan ang kaniyang nakikita. Dahan-dahang bumabagsak ang mga pader at bubungan. Ang kaluskusan ng apoy kahit saan.

Ang hindi mabilang na bangkay sa kaniyang dinadaanan na puro senyales ng mga naagnas na bangkay.

Duguang bahagi ng kamay na siyang tanging nakalabas habang nakadagan sa buong katawan nito ang isang bumagsak na bahay.

Isang munting batang namatay sa isang liblib na kalye dahil sa pagka-ubos ng dugo.

Isang laruang manika na nasa tabi ng kalsadang naliligo rin sa dugo.

Bangkay ng mga sundalo ng kahariang namatay habang pilit tinutupad ang tungkuling protektahan ang iba.

Napakatahimik ng bayang ito.

Bawat hakbang ni Xzyt, pabigat nang pabigat ang emosyong nabubuo roon.

Hindi na niya kailangang lumingon pa sa bawat kalye ngayon dahil alam niyang mababaliw lamang siya kapag may makita pa siyang bangkay ng mga inosente roon. Mga munting anghel na nadamay sa kaguluhang walang kasalanan sa digmaang ito.

Mas lalo lamang didilim ang paningin niya kapag nakita niya pa ang mga iyon. Kaya't sa mahinahon ngunit puno ng galit at poot nitong mga paghakbang, dumiretso siya papunta sa akademya.

Ilang sandali napahinto siya sa mismong tabi ng tarangkahan ng paaralang ito.

Hindi siya gumagalaw. Matuwid lamang ang tayo. Hindi umiimik. Hindi nagpapakita ng kahit kunting emosyon. Tila ba'y nawala na ang bagay na 'yon sa sistema niya. Nagsisimula nang maging blangko ang pag-iisip niya.

Hindi siya nakakuyom.

Hindi siya umiiyak.

At mas lalong hindi siya nagwawala o sumisigaw.

Normal lamang ang kaniyang paghinga. Masasabi ng iba na ayos lamang siya.

Walang buhay ang kanyang mata. Dalawang metro ang layo habang pinagmamasdan sa harapan ang bangkay ng isang pamilyar na lalaking nakasandal sa pader na 'yon na nakaupo.

Nakayuko man ito'y hindi maaaring magkamali ang binata na ito ang ama niya.

Nawawala ang isa nitong braso. Tila naging ilog ng dugo ang lupa sa tabi dahil sa walang hintong pagdurugo rito.

Makalipas ang halos isa't-kalahating minutong pananatili niya roon. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad papasok sa akademya.

Gaya ng nakita niya sa bayan.

Wala na ring ni isa pang natitirang buhay na mahahagilap sa paligid dito. Wasak ang ibang bahagi ng gusali maliban sa Dark Tower na hindi na rin nakakagulat dahil ilang siglo na rin itong nakatayo roon at ni minsan hindi pa ito nagkakaroon ng senyales ng kalumaan. Isa pa'y walang sinuman ang nakakaalam kung paano ito nabuo o kung sino man ang gumawa nito.

Sa daanan ni Xzyt. Bigla rin naman siyang napahinto. Nakadungaw sa katawan sa harapan niya. Durog na durog ito at hindi na halos makilala ng binata kung hindi lang dahil sa kulay at estilo ng buhok nito.

Ang bangkay ay walang iba kundi si Prean.

Hindi alam ni Xzyt ang gagawin o sasabihin sa mga nasasaksihan niya.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now