Chapter 79. bLuE

45 10 0
                                    

Chapter 79. bLuE

Third Person's pov

SA LABASAN mismo ng akademya. Napasandal sa pader sa gilid ng tarangkahan ang lalaking bumuhat kay Daizen.

Nakaluhod ang isang tuhod namang humarap ang prinsipe sa lalaking ito na may nag-aalalang ekspresyon. "G-ginoong Romer! A-ayos lang po ba kayo?"

Pawisan si Romer at hindi na magawang maibuka ang mga mata habang nakahawak sa dumudugo pa ring putol na braso niya.

"Ayos lang ako... wag kang mag-alala, Prinsipe Daizen... ang mahalaga ngayo'y makatakas ka. Wag kang susugod sa kalaban nang nag-iisa. Masyado iyong delikado." Napasuka ng dugo ang gurong ito kaya't gulat si Daizen na gustong hawakan si Romer pero hindi niya alam kung saan kaya't natataranta ito sa kung ano ang gagawin.

"Wag mo na akong iligtas pa. Hindi na rin naman ako magtatagal."

"P-pero!"

"Sige na, Prinsipe Daizen," hinawakan ng duguang kamay nito ang balikat ng prinsipe. "masyado nang marami ang taong nawalan ng buhay para sa bayang ito... pakiusap, wag mo na sanang dagdagan pa."

Napalunok si Daizen at pikit-matang napayuko. "Pinatay nila ang ama at kapatid ko!"

"Alam ko." Tinapik ni Romer sa balikat ang prinsipe habang nakayuko.

"Galit na galit ako! Gusto ko silang ipaghiganti! Hindi puwedeng hindi!" Sigaw ni Daizen habang inis na napahagulhol sa harapan ng guro. "kinakailangan ko silang ipaghiganti! Kailangan ko silang ipaghiganti!"

Niyakap ni Romer ang prinsipe at hinayaang ibaon nito sa balikat niya ang mukha ng umiiyak na si Daizen.

"Ayos lang 'yan, ang mahalaga ligtas ka." Bulong nito habang tinatapik-tapik sa likod ang prinsipe.

"Marami pong salamat." Bulong naman nito sa gitna ng kanyang pag-iyak.

Ngumiti si Romer na iniinda ang pagkakahilo dahil sa walang tigil na pagdurugo ng braso niya. "Isang karangalan... ang mapaglingkuran kayo... kamahalan..."

Huling mga salita nito bago naalis ang yakap sa prinsipe't bumagsak ang duguang kamay sa damuhan habang yuko ang ulong nakasandal lamang sa pader na iyon.

Dinistansya ni Daizen ang sarili upang matingnan ng maayos ang guro, hinawakan nito ang balikat ni Romer at marahang niyuyugyog iyon. "Ginoong Romer?"

Walang sagot na kaniyang narinig mula sa lalaki.

"Ginoong Romer! Gumising po kayo! Pakiusap! GINOONG ROMER! GINOONG ROMER!"

Sa may gubat sa labasan ng akademyang iyon. Dire-diretsong naglalakad sina Andrei at Wyain sa isang direksyong pamilyar sa punongguro.

Umalis na kasi si Ismael at dinala niya si Ryuzen sa kanya. Ito namang dalawang ito ay nanatili pa rin dito dahil daw wala pa namang panganib, mas gusto nilang samantalahin ang pagkakataon dahil nandito na rin naman sila.

"Sigurado ba kayong dito ang daan papunta sa kampo ng mga estudyanteng nakatakas kanina? Baka naman inililigaw mo lang ako rito." Sabi naman ni Andrei habang nagtatanggal ng tutuli sa tainga gamit ang hinliliit niya.

Nakangiti si Wyain sa binata bago sumagot. "Ano ka ba naman. Hanggang ngayon ba wala ka pa ring tiwala sa 'kin? Kumpara sa 'kin, mas baguhan ka pang kasapi ng Diablerie kaya kung ayaw mong siraan kita kay Ben, mabuti pang magpakabait ka na lang."

"Ha? Ang sabi mo hindi ka kasapi sa Diablerie tapos ngayon, sinasabi mong matagal ka na nilang kasama, niloloko mo ba ako, tanda?!" Umiigting ang panga na sabi rin ni Andrei rito.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now