Chapter 75. HEdiLLi Incident Part 1

45 7 0
                                    

Chapter 75. HEdiLLi Incident Part 1

Third Person's pov

SA LOOB ng istadyum.

Nakikipagkamay si Headmaster Wyain sa bawat mahahalagang bisitang nilalapitan niya. Sampung minuto na lang at magsisimula na ang seremonyas, at ang hari ay nasa kaniya na ring upuan.

Nang sa bigla namang may isang kawal ang lumapit sa punongguro na bumulong. "May gusto pong kumausap sa inyong tao saglit."

Nilingon ito ni Wyain. "Isa rin ba siyang bisita?"

"Hindi po. Pero isang mahalagang mensahe ang hatid niya." Sagot ng kawal na tila nagpa-seryoso naman sa ekspresyon ni Wyain.

Kaya't maayos muna itong nagpaalam sa kausap bago sumunod sa kawal sa paglalakad.

Hindi nagtagal, narating nila ang isang madilim na pasilyong malayo ng kaunti sa istadyum. Walang dumadaang estudyante o kawal sa parteng ito dahil lahat ay nagtipon na sa pagdadausan ng seremonyas.

Umalis ang kawal na naghatid kay Wyain. Nang sabay ding may aninong lumitaw, hindi kalayuan sa punongguro.

Sa ekspresyon niya, hindi man lang siya nagpakita ng takot o pagkabigla. Bagkus ay napabuga siya ng hangin at nagtanong sa lalaking hindi makilala dahil sa itim na telang suot-suot nito sa buong katawan. "Anong problema?"

__

Sa may mga upuan sa loob ng istadyum. Nakapwesto ang mga mga estudyante ayon sa sections nila gaya pa rin ng dating nakagawian.

Habang nakaupo sina Fred at Aspen, hindi maiwasang mapalingon sa paligid ang huli na naiinis.

Kaya't hindi rin maiwasan ng kanina pang tahimik na si Fred na tanungin na rin ang kaibigan. "Ano bang problema mo? Malapit nang mabali 'yang leeg mo kakalingon."

Napahalukipkip si Aspen na huminto sa ginagawa. Nguso itong sumagot. "Kaasar. Hanggang ngayon wala pa rin sina Xzyt. Saan na ba kasi ang mga 'yon ngayon?"

"Kahit 'yon inaalala mo pa rin. Hay naku."

Nilingon ni Aspen ang kaibigan. "Hindi ka ba nag-aalala sa kaniya?"

"Bakit naman ako mag-aalala? Si Xzyt ang pinag-uusapan dito. Kasama niya ang malalakas na kasamahan at guro ngayon sa labas, kaya siguradong ayos lang sila." Hayag naman ni Fred. "pero. Ewan. 'Yon lang naman ang opinyon ko."

"Tama ka." Tugon na lang ni Aspen at sumuko na lang na alalahanin pa ang bagay na 'yon.

"Kung darating sila, darating sila. Isa pa, hindi naman sila matatanggal sa akademya kapag hindi sila nakasali sa seremonyas."

Sa bandang upuan ng mga Royals. Kakaupo lamang ni Pan sa sariling pwesto roon nang mapansin din niya ang bakanteng upuan sa kanyang tabi.

Naalala niya bigla ang nag-iisang taong nakaupo lagi sa bandang ito kaya't hindi niya rin maiwasang malungkot dahil doon.

Kung nasaan ka man ngayon. Sana maayos ka nang nakapagpapahinga. Kuya.

Bulong nito habang tulala sa upuan ni Ryuzen. Na hindi rin naman nakaligtas sa mata ni Daizen. Ang ibang kapatid nila ay nagkukulitan sa kani-kanilang mga upuan, samantalang ang dalawang ito ay tahimik na tila malalim ang iniisip.

Samantala.

Sa may tuktok ng isang puno, hindi kalayuan mula sa mismong istadyum. Naroon nakaupo ng palihim ang isang lalaking naka-balabal.

Walang emosyon ang mga mata at mukha. Tila malalim ang iniisip ngunit ang totoo'y blangko na ang memorya nito, maliban sa nag-iisang utos na ibinigay sa kanya ni Ismael. Ang nag-iisang taong nagsamantala at nagpakilala bilang panginoon niya.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now