Chapter 40. Dark Omen

121 17 3
                                    

Chapter 40. Dark Omen

Third Person's pov

MADILIM ang daan sa gubat.

Tahimik at malamig. Hindi mapakali ang mga kuliglig sa bawat sulok ng puno at damuhan.

Sa isang kalsada roon ay naglalakad ang isang kabayo habang nakasakay ang isang lalaking nakatalukbong sa suot na balabal.

Itim na itim ang buong kasuotan maski ang kulay ng kanyang mga mata. Taglay nya ang itim na mahika kaya't kahit gustuhin man syang harangan ng mga halimaw sa gubat upang gawing hapunan ng mga ito, hindi nila isusugal ang buhay para lang gambalain ang payapang paglalakad ng lalaking ito.

Si Rafael na papunta sa Execution Fortress. Hindi nya hahayaang may mangyaring masama sa kasamahan nya.

Sa sariling opinyon nya. Gusto nyang makita't makaharap ang sinasabing binata na may asul na mga mata.

Habang tumatagal na naiisip nyang may isang taong pwede silang pigilan, mas lumalalim pa ang kuryusidad nyang malaman kung gaano nga ba ito kalakas, at kung totoo nga ba talagang isa itong nilalang na sinusundan lagi ni kamatayan.

Sa kasalukuyan. Wala pa silang naririnig na nagsabi ang kanilang pinuno kung natatakot ba ito sa binatang 'yon o hindi. Ngunit isa lang ang sigurado sila.

Maingat ang kanilang pinuno pagdating sa usapin tungkol sa binatang 'yon. Sa bawat bigkas nito ng mga salita tungkol sa binata ay halatang maingat at hindi gano'n padalos-dalos. Sapat ng dahilan 'yon upang tablan sila ng kaunting kaba at gumawa ng distansya hangga't maaari mula sa binatang may asul na mga mata.

Ngunit.

Hindi ito matanggap ni Rafael. Hindi nya kailanman hahayaang may makapigil na isang bata lang sa pinuno nila. Sila ang pinakamalakas na grupo sa buong kontinente ng RavenGrynde. Walang makakatalo sa kanila kahit sino kaya't kailangan nila 'yong panatilihin sa gano'ng estado. Kung wawasak sila ng isang buong kaharian mismo o imperyo. Gagawin nila, maipahayag lamang sa mundo ang kanilang walang limitasyong mga lakas.

"Wag kang mag-alala, Oscar. Ililigtas kita. At papatayin ko ang pangahas at walang hiyang binata na 'yan na dumukot at nagpahiya sa ating buong grupo. Humanda ka. Ipinapangako ko. Na sa sandaling makabalik ako sa tabi ng pinuno, iaaalay ko ang pugot mong ulo sa paanan nya. Ipinapangako ko 'yan."

Tumingala si Rafael sa bilog na buwan. Inangat ang isang nakabukang palad at tila ba'y inaabot nya ito at ikinuyom. At kasabay ng pangako sa sarili, ngumiti syang abot-langit ang tiwalang walang makakapigil na magtagumpay sya.

"... Xzyton Gray... ihanda mo na ang sarili mo sa iyong tiyak na kamatayan."

--

Napabahin si Xzyt habang nakasandal sa isang pillar sa isang pasilyong puro lampara lamang ang naging ilaw. Kinusot ang ilong at muling napahalukipkip doon.

Nasa isang jail corridor sya ngayon sa level 5 underground floor ng fortress. Ito ang pinakamababang floor at pinaka-bantay sarado sa lahat ng kulungan sa buong kuta.

Kaharap nya lamang sa isang saradong kulungan ang nakapaloob na si Oscar habang nakaupo itong nakasandal sa maruming bakal na pader.

Hindi pa rin nawawala ang kadena sa kanyang buong katawan at kahit nakapako na ang kadenang 'yon sa sahig na kaharap ni Oscar, tila wala pa ring balak si Xzyt na lubayan ang matandang ito hanggang mag-umaga o kahit na sa oras pa ng pagpatay dito.

Maraming tumatakbo ngayon sa utak ni Xzyt. Hindi lang naman kasi ang mga sinasabi ng bibig ng mga tao rito ang naririnig nya. Dahil maski ang mga utak nila'y maiingay din kaya't hindi madali sa kanyang manatiling kalmado kung halos dumugo na ang tainga nya dahil doon.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now