Chapter 83. Premature War Part 4

61 9 0
                                    

Chapter 83. Premature War Part 4

Third Person's pov

DEAD FOREST.

Labin-dalawang minuto ang lumipas matapos makaalis nina Dremor at Greg, bumangon din si Ryuzen mula sa kanyang pagkakahiga.

Malakas na ulit siya at wala nang kahit na anong dugong tumutulo sa ilong o bibig niya.

Humarap sa kanya si Ismael. "Handa ka na?" Tanong nito. "Umalis na tayo."

Kasama si Prin.

Sabay silang tatlo na nakarating sa tarangkahan ng bayan ng Hedilli. Tahimik ang paligid hanggang sa mapansin din nila sa hindi kalayuang kalsada.

Nahinto sila sa paglalakad at pinagmasdan ang isang lalaking yukong nakaupo sa katawan ni Dremor na wala ng ulo.

Tumayo si Kai bago tuluyang naglaho sa hangin ang patay na katawan ng kalaban niya't isinablay sa balikat ang espada. Dumiretso kay Prin ang titig ng prinsipe.

Pero nang sa sandaling malipat kay Ryuzen ang tingin niya, bahagyang nawala siya sa depensa, at sa sandaling mangyari 'yon.

Siya rin namang bilis ng kidlat na dumaan sa kanya si Prin.

Na-estatuwa sa kinatatayuan si Kai habang dilat ang mata't nakabuka ang bibig. Patuloy na naglalakad si Prin na nakapamulsa ang isang kamay, habang ang isa ay nababalot ng sariwang dugo na nag-iiwan ng mga patak sa lupa.

Nabitiwan ni Kai ang espada. Kasunod ay bumagsak sa lupa ang pugot niyang ulo at huli ay ang katawan niya.

Nilagpasan ni Ryuzen ang walang buhay na kapatid at hindi man lang ito nag-abalang tumingin sa nandidilat na mga mata ni Kai habang tuloy-tuloy ang paghakbang papalayo roon.

Nang makarating sila sa akademya. Dumiretso sila ng liko kung nasaan nakatayo ang mismong Dark Tower.

Habang papunta roon, nadaanan nila sa isang pader ng gusali si Aris. Nakapako ang katawan sa bitak na bahaging iyon ng semento habang may nakatarok na dark spear sa dibdid at patuloy lamang ang pagpatak ng mga dugo.

Nang makaakyat ang tatlong ito sa pinakatuktok ng tore. Doon nila nadatnan si Greg. Nakatayo sa bandang gilid ng tore at sakal-sakal si Ains. Sa sandaling bitiwan niya ang gurong ito, malamang diretso ang bagsak nito sa semento sa pinaka ibaba.

Nagpupumiglas si Ains habang walang hinto ang pag-agos ng dugo sa ilong at bibig. Namumula na rin ang mga nandidilat na mata habang pilit naghahabol ng kanyang hininga.

Mas humigpit ang sakal ni Greg dito at dahan-dahang dumadaloy ang itim na lason mula sa leeg ng guro hanggang sa mukha nito.

Pilit itong nilalabanan ni Ains sa pamamagitan ng kakayahan niyang magpagaling. Ngunit sa sandaling tuluyang nanghina siya, nabalot din ang buong katawan niya ng lason at binitiwan ni Greg.

Nahulog si Ains at bumagsak sa semento.

Nawasak ang bungo at dahan-dahang naaagnas ang katawan hanggang sa ito'y tuluyang naglaho sa mundo ng mga buhay.

Lumapit naman sa dulo ng tore si Prin. Kanyang nilanghap ang sariwang hangin na hatid ng tagumpay na ito habang taas-noong pinagmamasdan mula sa mataas na bahaging ito ang buong kaharian at ang lupaing naaabot ng tanaw nito.

Hanggang sa hindi rin nagtagal.

Ikinumpas niya ang kamay pababa. Ipinikit ang mata at mula sa dulo ng mga ulap, isang itim na giant circle spell ang lumitaw.

Mula roon, isang itim na kidlat ang bumulusok at tumama sa mismong gitna ng tore na ito.

Nabutas ang tore mula sa gitna. Tuloy-tuloy ang pagbaba ng kidlat hanggang sa umabot ito sa pinaka-ilalim ng lupa na tuloy-tuloy pa rin ang paghukay ng kidlat na ito.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now