Chapter 22. Detective Kai

113 18 2
                                    

Chapter 22. Detective Kai

Third Person's pov

ISANG PAGPATAY!

Bukod sa lahat ng taong nasa palasyo ay wala nang iba pang nakakaalam at walang dapat makaalam sa nangyari ngayong gabi.

Lahat ng lagusan sa palasyo'y hinaharangan ng mga kawal. At dahil nagawa agad ni Ains ang absolute barrier sa palasyo, mararamdaman nya kaagad kung saan o sino ang taong kahina-hinalang magsusubok wasakin ang barrier na ginawa nya.

Mas mabilis nyang mahuhuli kung gano'n nga ang gagawin ng salarin subalit mas matalino ang kalaban nilang ito dahil hanggang ngayo'y wala pang senyales na may taong nagsubok umalis sa barrier nito.

"Nakakatakot!"

"Patay na ang hari!"

"Ano na ang mangyayari sa kaharian?!"

"Sino ang pangahas ang gagawa ng ganitong klase ng krimen?!"

"At sa loob pa talaga mismo ng palasyo nangyari ang pagpaslang!"

Puro usapan ng mga natatarantang katiwala ang nanaig sa bulwagan sa mismong tapat ng bukana ng palasyo.

Pinagkumpol silang lahat dito habang pinapalibutan ng mga kawal upang hindi sila basta-basta makatakas.

"Ano bang ginagawa nyo? Bitiwan nyo 'ko!"

"Wag nyong sabihing pinagsususpetyahan nyo kami?!"

"Hindi namin magagawa 'yon sa kamahalan!"

Galit ang mga katiwala dahil sa diskriminasyong ito. Tinuturing silang mga kriminal kaya't natural na ganito ang magiging reaksyon nila.

Mula naman sa itaas. Kung saan naroon natagpuan ang bangkay ng hari. Nakapamulsang nakasandal naman si Xzyt sa pader habang nag-iisip ng maaaring nangyari rito.

Dumating ang dalawang kawal. Kasama ang reyna at ang prinsesa nito.

Sa sandaling mahagilap nito ang ama, mangiyak-ngiyak na napatakbo ang prinsesa at ginustong lapitan ang bangkay subalit humarang si Xzyt dito.

"Padaanin mo 'ko! Gusto ko syang makita." matigas na utos ng umiiyak na prinsesa sa binata.

Subalit seryosong tumitig lamang dito si Xzyt bago nagsalita. "Paumanhin, mahal na prinsesa. Subalit hindi ka pupwedeng lumapit pa sa bangkay." malumanay na saad ni Xzyt.

Niyakap ng reyna ang anak at pareho silang napaiyak na lamang sa tabi.

Tumingin ang binata sa dalawang kawal at nagtanong. "Kamusta sa ibaba?"

"Lahat ng katiwala'y nasa iisang lugar na. Gusto mo bang patayin namin silang lahat?"

"Baliw ka ba? Papatay kayo ng mga inosente?" galit na saad ng binata.

"Pero buhay ng isang maharlika ang nawala rito! Kung isa man sa mga katiwalang 'yon ang salarin, nararapat lang—"

"Kapag ginawa mo 'yan. Mas maraming dugo ang mawawala." sabat ni Xzyt at tinigasan ang pangang tumitig sa kawal na ito. "Hahanapin ko ang salarin at ako mismo ang magde-desisyon sa magiging hatol sa kanya."

Napabuntong-hininga ang kawal na ito. "Isa ka lang binata. Paano mo nasasabing—"

"Hindi lang sya isang binata..." biglang sabat ng boses mula sa kabilang bahagi ng pasilyo. "... isa sya sa kinikilalang pinakamalakas na estudyante sa akademya ng Hedilli. Kaya kung ayaw mong magsisi, sumunod ka na lang, bilang isang magiting na tagasunod."

Si Ains. Kasama sina Kai at Aris.

"Anong nangyari rito?" kunot-noong tanong ng prinsipe nang makita ang bangkay.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now