Chapter 54. A YouNG TRavELLer

82 16 0
                                    

Chapter 54. A YouNG TRavELLer

Third Person's pov

KALAHATING oras matapos magising ng dalaga. Nakalabas na rin ito mula sa kanyang kwarto. Bagong ligo at suot na ang uniporme ng paaralan nila, na tinabunan naman nito ng balabal.

Naghihintay si Kai sa may sala at nang maramdaman nito ang dalaga na paparating, ni hindi man lang lumingon hanggang lumagpas sa likod ng upuan nya si Aris.

Maayos ang upo ng prinsipe habang sa kaharap nitong sopa ay nakaupo naman din ang binatang si Xzyt. May kaunting pasa sa pisngi at kasalukuyan nyang dinaramdam iyon na kinawayan ang dalaga nang mapansin nya rin ito. "Magandang umaga, Aris!"

Subalit walang tugon na bumalik mula sa dalaga. Bagkus, naupo lamang ito sa isang sopa rin sa sala na 'yon at lumingon sa prinsipe, "Balita ko nandito na si Sir Ains?"

"Tama ka." tugon naman ni Kai.

"Sa wakas, didiretso na rin tayo sa Empire Castle!" halata sa boses ni Xzyt ang pagkagalak habang sinasabi nya 'yon.

Napabuga ng hangin si Aris at sumandal sa upuan nya. "Sana naman maganda ang tratong matatanggap natin sa lugar na 'yon pag nagkataong makarating nga tayo sa lugar."

Dahil do'n ay napalingon sa kanya ang prinsipe. "Nag-aalala ka kung itataboy tayo ng mga guwardiya paalis? Kung sabagay, hindi nga naman malabong mangyari 'yon." hindi malaman ng dalawa kung masaya o nag-aalala ang prinsipe dahil sa mga sinasabi nya.

Ngumiti si Xzyt na tinukod ang siko sa upuan. "Para naman kayong walang tiwala kay Sir Ains. Hindi malabong maganda ang trato nila sa 'tin ro'n. Grabe naman kayo kung makaisip kayong itataboy nila tayo."

Tumitig ang prinsipe sa kanya. "Empire Castle ang pinag-uusapan natin dito. Ang may pinakamahigpit na seguridad sa buong kontinente."

"Baka nga atakihin na agad tayo kahit makita lang nila tayong nasa tapat ng tarangkahan nila." dugtong naman ni Aris.

"Ang aga-aga puro negatibo na ang nasa mga utak ninyo." pumasok si Ains sa loob at naki-upo kasama ng tatlong estudyanteng ito. "Gusto ko lang sabihin sa inyo na tinanggap na ng tagapayo ng emperador ang ikalabin-limang sulat na naipadala ko. At kani-kanina lang din, natanggap ko na rin ang sagot niya at ayon dito," may kinuha sya sa bulsa at nilapag iyon sa mesang namamagitan sa kanila bago tumingin sa tatlo muli at nagsalita. "pupuwede na tayong papasukin ng emperador sa kaniyang kastilyo nang walang tanong-tanong subalit kapalit nito ay ang isang mahalagang misyong kailangan muna nating tuparin para sa kaniya."

Nangunot ang noo ng dalawa maliban kay Xzyt dahil sa kanilang narinig.

"Anong ibig nyong sabihing mahalagang misyon?" si Kai. "at akala ko ba puwede na tayong pumasok nang walang kahit anong aberya? Bakit tila may kapalit pa rin ito?"

Nilingon sya ng guro bago ito sumagot sa kanya. "Ang tagapagmana sa imperyo ng Moonovien. Ang nag-iisang anak ni Emperor Moon, na si Prinsipe Andrei, ay nabalitang lumabas ng kastilyo nang hindi nagpapaalam. Dalawang buwan na itong nawawala at kama-kailan lang huling namataan ang prinsipe malapit sa bayan ilang kilometro ang layo mula rito."

Napabuga ng hangin si Kai. Pinagsaklop ang mga daliri sa isa't-isa at nalunod ito sa malalim na pag-iisip.

"Kung gano'n, nais ng emperador na hanapin at ibalik natin ang kanyang anak sa kanya?" tanong ng dalaga na wala rin namang tangging tinanguan din ni Ains.

Ngumisi si Xzyt. "Anak ng emperador? Heh! Hindi ko inasahang may anak pala sya."

"Ano't-ano pa man. Hindi kabilang sa mapagpipilian ang tumanggi sa misyong ito." Saad pa ni Ains at muli, tumayo na ito. "kumilos na agad tayo-"

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now