Ikaw ang aking pampakalma,
sa tuwing nilalamon ng takot at pangamba.
Ang aking musika,
na humehele sa isip at kaluluwa.
Ikaw ang aking kasiyahan,
kahit pa lahat ay nang-iiwan.
Ang aking kasiyahan,
sa gitna ng walang katiyakan.
Ikaw ang sagot sa mga dasal,
na sa wakas ay ibinigay ng Maykapal.
Ang aking mahal,
pumapawi sa mga hirap at pagpapagal.