TULA #90

36 4 0
                                    

Sana may minsan pa.

Minsan pa sanang makisama sa atin ang tadhana. Na sa minsan na iyon, muling sumilay sa atin ang pag-asa. Muling hahawakan ang kamay mo't hindi na bibitawan pa. Susulitin ang bawat sandali, mayakap ka't mahagkang muli. Dahil ikaw, ikaw pa rin ang gusto kong unang makita sa umaga. Tinig mo pa rin ang paboritong tunog ng aking mga tenga. Sana may minsan pa...dahil sa'yo lang babalik ang pusong 'di pa ulit sumasaya. Nananatiling ikaw ang pamantayan ko ng ligaya. Sana may minsan pa. Sana muli tayong magkita.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon