PATAWAD

217 6 0
                                    

Patawarin mo ang mga mata ko.
Mga matang walang ibang ginawa kundi ang tanawin ka mula sa malayo.
Mga matang ikaw ang pangarap.
Mga matang ikaw ang laging hinahanap.
Mga matang napaka iyakin
sa katotohanang wala kang pagtingin sa akin.

Patawarin mo ang mga kamay ko.
Mga kamay na nangawit kakahintay sa pagsalo.
Pagsalo sakali mang mahulog ang puso mo.
Mga kamay na handa kang ingatan
Mga kamay na hindi ka binitawan.

Patawarin mo ang mga labi ko.
Mga labing ayaw umaming nasasaktan ako.
Mga labi kong matatakutin.
Na ang "mahal kita" ay hindi kayamg sambitin.
Mga labi kong sinungaling dahil "okay lang" ang kayang sabihin.

Patawarin mo ako
at patatawarin din kita.

Patatawarin ko ang mga mata mo.
Mga matang hindi nakita ang halaga ko.
Mga matang hindi nakikitang nasasaktan ako.
Mga matang sa akin ay hindi tumingin.
Mga matang hindi papatak ang luha para sa akin.

Patatawarin ko ang mga kamay mo.
Mga kamay na hindi marunong sumalo.
Mga kamay na hinayaang mahulog at madurog ang puso ko.
Mga kamay na hindi ako iningatan.
Mga kamay na minsan na akong binitawan.

Patatawarin ko amg mga labi mo.
Mga labing tipid magsalita.
Mga labing may ngiti sa iyong mukha.
Mga ngiting hindi naman ako ang may likha.
Mga labi na ang sabihing "mahal kita'" ay hindi na magagawa.

Mahal, patawarin mo ako.
Patawarin mo ako kung ang aking pangakong "maghihintay ako" ay mapapako na.
Mahal kita, pero patawad.
Ako'y pagod na.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon