PAGSAPIT NG DILIM

162 6 0
                                    


Palubog na ang araw, sasapit na ang gabi.
Ang nagdaang maghapon ay magiging guni-guni.
Sisilip ang kalungkutang dala nitong gabi.
Mga pagkasiphayong may kalakip na pighati.

Piliting 'wag isipin ay ' di maiwasan.
Hinihiling na sana ito'y kathang isip na lamang.
Pait ng nakaraan at kirot na naranasan,
Sa pag-agos ng luha sana ay mahugasan.

Pagpikit ng mata, sana ito'y malimutan.
Masasayang pangyayare ang siyang panaginipan.
Upang kahit papaano ay maaliw ang isipan.
Sa pagkabigong dulot ng mapaglarong kapalaran.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon