TULA #14

453 9 0
                                    


Sa labis na pagka abal nitong mundo.
Tila hindi mo na alam kung sino ang totoo.
Marami kang makikilalang tao.
Taong may samu't saring pagkatao.

May mga taong tutulong sa iyo.
Mayroon din namang manloloko.
May mga walang pakialam sa mundo
at maraming mga pilosopo.

May mga taong mapapalapit sayo.
At meron ding sasaktan ang puso mo.
Iiwan hanggang sa madurog ito
ngunit mayroon ding bubuo nito.

Bubuuin niya ang bawat piraso.
Nakahandang masugat sa mga bubog nito.
Hanggang sa bumalik sa dating anyo.
At gagawing panibago.

Ngunit wag sanang mabigo.
at nawa'y pagbigyan mo.
Dahil sa lahat ng taong nabanggit ko.
Ang huling uri ay ako.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon