SALAMAT

204 4 0
                                    

Hinihiling na sa pagtulog ikaw ang katabi't kayakap.
Sabay na sa panaginip tayo ay mangangarap.
Mga bagay na kaytayog na gaya nitong mga ulap.
Magkasamang aabutin sa rurok ng alapaap.



Kapag kasama ka ligaya'y anong ganap.
Di kayang sayo'y mawalay kahit isang sulyap.
Pag-ibig mo giliw ang siyang laging hagilap.
Sana'y di maglaho ang lahat sa isang iglap..




Maraming salamat sa iyong buong pusong  pagtanggap.
Mula sa una hangang sa huling bibitawang pangungusap.
Mga pagkamamali at pagkukulang na sa akin ay sangkap.
Walang pag-aatubiling  ito'y iyong niyakap..





ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon