AKO NA LANG ANG LALAYO, IKAW NA LANG ANG SASAYA

151 4 0
                                    

Ako na lang ang lalayo, ikaw na lang ang sasaya.
Lalayo na lang ako,
kasi alam kong walang pag-asa.
Mahirap din kasing pilitin
ang puso mong ako'y mahalin.

Lalayuan na lang kita.
kasi madali akong mahulog sa isang kumusta.
Ako na lang ang iiwas,
sa mga larawan mong nakakalusaw ng puso't kaluluwa.

Pero isa lang ang hiling ko.
Tulungan mo ako,
na kalimutan ang mga nangungusap  mong mata.
Mala-anghel mong ngiti na sa aki'y nagpapahina.

Pakiusap, hayaan mo akong kalimutan ka.
At pipilitin ko ang utak ko at turuan ang puso kong wag nang umasa pa.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon