SALUDO AKO

213 6 0
                                    


Saludo ako sa mga taong kahit minsan nang nasaktan,
hindi pa rin sila sumusuko sa laban.
Sa laban na walang katapusan.
Sa laban na kailangan mong maging matatag at matapang, para hindi na muling madapa at mapagsamantalahan.

Saludo ako sa mga taong kahit nasaktan na,
nagagawa pa ring ngumiti.
Ngumiti na tila hindi ramdam ang hapdi.
Hapdi na dulot ng pagkabigo.
Pagkabigo na dulot  ng taong minahal nila ng buong puso.

Saludo ako sa mga taong kahit minsan nang nabigo,
hindi pa din  sumusuko.
At bagkus, ang lahat ng sakit na nakamtan ay ginawang leksyon sa buhay upang hindi na muling masaktan.

Ikaw.














Ikaw

















Oo. Ikaw.













Ikaw na paulit ulit nasaktan.













Ikaw na puro hinanakit lang ang naramdaman.












Ikaw na sa ere ay iniwan.
Ikaw na hindi pinapahalagahan..






Saludo ako.




















Saludo ako sayo.














Tandaan mo,
Hindi man ngayon,
pero sa tamang panahon

Mahahanap mo rin ang tamang tao.
Tamang tao na tiyak nakatadhana sayo.
Tamang tao na kailanman,
ang paiyakin kay hindi magagawa.
Tamang tao na walang ibang hamgarin kundi ang ikaw ay pasiyahin.
Tamang tao na gagawin ang lahat para sa mahal niya.
At tamang tao na handang mahalin ka.

Kaya sige na,ngumiti ka na.
Buksan na ang bagong pahina.
Pahina na kwento ng iyong buhay,
Na kung saan bubuo ka ng bagong simula.
Bagong simula na magpapatibay sa kumg sino ka.

Kaya sige lang ang laban.
Wag kang matakot masaktan.
Wag mo siyang iyakan,
Tandaan mo. Hindi siya kawalan.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon