Tula #85

34 2 2
                                    

'Di na muling lalamlam itong gabi dahil narito ka sa'king tabi.
'Di na muling lulubog ang araw na may lumbay ang sandali.
Dahil sa'yo, puso'y natutong muling ngumiti.
Galak na iyong hatid ang siyang laging namumutawi.

Pag-ibig para sa iyo'y lalong umaapaw sapagkat ikaw na ang siyang makakasama sa bawat araw.
Magkasamang haharap sa pagsubok ng buhay. 'Di ka hahayaa't sabay aabutin ang tagumpay.
Ikaw ang nag-aalis ng lumbay at pinapalitan ng ligayang tunay.

Basta para sa'yo mahal, ang lahat ay kaya kong isugal.
Ako'y lubos na nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa wakas ay ibinigay niya ang aking dasal.
Ika'y iibigin ko ng buong dangal, pag-ibig na tapat at hindi hangal.
Ngayong tibok ng puso nati'y iisa ang isinisigaw, sa Panginoon ako'y umuusal.
Sa pagdating ng panahon ikaw ay iharap ko sa altar.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon