TULA #3: Obra

1.1K 18 2
                                    


Kakabisaduhin kita
na parang isang romantikong tula.
Tulad ng gawa ng isang makata,
pinaglalaanan ng puso't diwa.

Aaralin ang bawat berso at linya.
Mga elementong bubuo sa isang magandang katha.
Kaya 'wag mong iliko ang linya.
Ikaw ang paborito kong obra.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon