TULA #29

264 5 0
                                    

Simple lamang ako aking sinta.
Walang maganda appeal na pang artista.
Kaya kung ako'y iyong makikita,
Wag magugulat kung parang natosta.

Wala akong yaman sa mundo.
Walang pag aaring gawa sa ginto.
Wala ring sasakyang panghatid sa lugar na iyong gusto.

Ngunit sa aking puso ay ikaw.
Nagbibigay nabibigay liwanag na tanglaw.
At sakaling magsawa ka sa mundo.
Para sayo ay naririto lang ako.

Wala man akong magandang hitsura.
Upang sa akin at mapatitig ka.
Maging suot ko ay di maganda.
Bukod sa badoy ay gusot-gusot pa.

Ngunit kung mamarapatin mo.
Handa akong maglingkod sa iyo.
Pabalingan lamang ng kahit isang minuto
Itong simpleng tula na ito.
Mula sa simpleng taong tulad ko.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon