AKO AY NAGBALIK

125 4 0
                                    


Mano po Inay, heto ang aking halik.
Inaamin kong sa piling mo ako'y sabik.
Patawarin mo ako sa aking pananahimik.
Ngunit heto na, ako'y nagbabalik.

Nagbabalik ako sa piling mo Ina.
Patawad at ako'y naging alibugha.
Tanggapin mo sanang muli 'pagkat nagbago na.
Lungkot sa iyong puso'y papalitan ng tuwa.

Batid kong sa paglayo ay labis kang nasaktan.
Ngunit luha mo ngayon ay aking pupunasan.
Pipiliting lungkot ay maibsan.
Hinaing ng puso'y aking huhugasan.

Aking hahawakan kulubot mo nang kamay Ina.
Ipaparamdam kong muli na mahal kita.
Ngunit sandali ako'y nagtataka.
Iyong kamay malamig,matigas at maputla.
O Diyos ko, ako'y napaluha!!...

Gumising ka mahal kong Inay! Naritong muli ang iyong inakay.
Sa mainit mong pugad ay nais sumakay.
Kahit pa ang kinakapitan nito ay tuyot na ang tangkay.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon