MAGBALIK TAYO

150 6 0
                                    


Naaalala mo pa ba kung paano tayo nag-umpisa?
Mga kwentuhang walang humpay at palaging masaya.
Naging magkadamay sa lungkot at ligaya.
Kulitan at asaran hanggang abutin ng umaga.

Nabuksan ang puso, inalis ang pangamba.
Sa tuwing takot ikaw ang nagpapakalma.
Sa paglipas ng araw, sayo ay nasanay na.
Maniwala ka sasambiting mahal kita.

Ngunit bakit ngayon? Ako'y nagtataka.
Pakikitungo sa aki'y tila nabago na.
Sa tuwing kausap ay wala nang gana.
Tumabang, nanlamig at wala nang lasa.

Di na ba maibabalik ang dating pagsasama?
Kung saan ay sabik sa isa't isa.
Sana pala ay lagi na lamang umpisa.
Para palaging masaya.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon