TUBIG

151 3 0
                                    

Tila ikaw ay isang batis sa aking paningin.
Malinaw ang tubig at pag agos ay kaysarap dinggin.
Kaya ako'y lumusong sa pag-asang pagod ay papawiin.
Ngunit ako'y nabigla, lumubog sa iyong lalim.


Pag-ibig ay gaya ng tubig na malalim.
Nakaka akit tignan ngunit nakakatakot languyin.
Dahil madalas nalulunod tayo sa pagmamahal
sa isang taong di kayang lumangoy upang tayo sa sagipin.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon