BINIBINI KO

185 5 0
                                    

Ang makilala kay tunay na kagalakan.
Tuwa sa puso'y walang paglagyan.
Sisidlan ng pag-ibig sana ay maglaan.
Nang yumabong at ating pagsaluhan.


Binibini kita, ako'y iyong Ginoo.
Magkasama tayong pangarap ay bumuo.
Sa gitna ng hirap ay di pagugupo.
Magkasamang lalaban magunaw man ang mundo.


Ikaw ang siyang aking gabi at araw.
Pinapainit ang damdamin, pinapahinga sa katahimikan.
Ikaw ang siyang sisintahin
Sumapit man ang pagpanaw.


Sumpa sa Binibini itong aking pag-ibig.
Bayuhin man ng problema'y 'di padadaig.
Sabay sa pag-ikot at saliw nitong daigdig.
Puso'y walang sawang ngalan mo'y ipipintig.


Ako man ay minsan nang nasaktan at nasawi.
Sa pag-ibig na sadyang mahilig magkunwari.
Gayunpaman ay nais subukang muli.
Sa pag-asang makakasama ka hanggang huli.



Aking Binibini, aking sinta.
Ano baga ang taglay mong gayuma?
At ikaw ay inibig nang di inakala.
Pagsuyong ito'y habambuhay na sana.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon