LUHA

226 4 0
                                    


Ikaw ay nariyan, ako ba'y iyong dadamayan?
Sasaluhan hanggang gumaan ang nararamdaman?.
O ipapaalaala sa akin na ako'y mahina,walang kakayanan.


Ikaw ang kasama sa bawat paghikbi.
Katuwang upang sakit ay maiwaksi.
Siyang umaaliw sa akin buong gabi.
Hindi humihiwalay sa aking tabi.


Ramdam mo ang hinaing ng aking puso.
Mga hinagpis ng pagkasiphayo.
Pigilin man kita at magsumamo,
Ikaw ay hindi paawat sa pagtulo.




Ako'y isang taong mahina at marupok.
Minsa'y nagugupo ng bawat pagsubok.
Alam kong kakambal ng saya ay lungkot.
At may mga tanong na tila walang sagot.

Tanong sa sarili "hindi pa ba sapat?'"
Ang lahat ng dinaranas kong paghihirap.
Na sa bawat araw ng aking pagsusumikap.
Bakit parating may lungkot na nagpapaiyak?


Parating nakikita ay pagkakamali.
Na laging nariyan ang sumbat nitong budhi.
At sa tuwing nasaktang muli,
agad kang umaagos nang dali-dali.

Tanging hiling sana ay pagbigyan.
Sa muli mong pag agos, dibdib ko'y hugasan.
Upang kahit papaano ay mabawasan.
Itong sakit at kirot na aking nararamdaman.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon