TULA #6: Payong Kaibigan

673 11 3
                                    

Minsan ay may panahon
na nais mong bumigay
Dahil sa mga sitwasyon
na sa balikat ay nakasampay.

Pakatatag ka, dagdagan iyong lakas.
Ngumiti ka, na tila walang dinaranas.
Lumaban ka, tibayan iyong loob.
Bumangon ka, upang hindi lumubog.

Hindi kikinis ang batong hiyas kung hindi ikiniskis.
Hindi tatatag ang tao kung walang pagsubok at pagtitiis.

Ito ay payo lamang kaibigan.
Kung ikaw ay may pinagdaraanan.
Huwag mong tatambayan.
Daanan mo lamang.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon