TULA #17

300 5 0
                                    

Nahalintulad ang pagmamahal sa pamasahe sa jeep.
'Wag daw magbibigay ng buo
dahil baka di makuha ang sukli.

Pero mas magandang magbigay ng buo.
Kesa barya baryang pagmamahal lang.
Kung hindi man ito masuklian,
parte ng pagmamahal ang masaktan.

Ngunit kung totoo man
na sa jeep hindi ka nasuklian.
Singilin mo sa driver o konduktor yan.
Sayang ang pang lamang tiyan.
Pambili ng pisbol o kikiam.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon