INIIBIG KITA

211 3 0
                                    

Nais mong mabatid, nais mong malaman kung gaano kita kamahal?
Iisa-isahin ang bawat paraan, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong pagkatao at laman.
Mamahalin nang tapat at walang hanggan.

Sasaiyo ang puso maging ang aking isipan.
Lahat ng pangarap ay tanging para sa iyo laan.
Ikaw ang iibigin magdilim man ang kalawakan.
Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

At kung sakaling sumapit, dumating itong hangganan.
Pag-ibig kong ito iyo sanang panghawakan.
Dahil madilim kong mundo, iyong inilawan.
Maging sa kabilang buhay, iibigin ko'y ikaw lamang

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon