GUNITA

145 6 0
                                    

Ito ang iyong huling litrato na sa akin ay naiwan.
Iyong alaala ay nakaguhit sa gunita at mga larawan.
Larawang nagbabalik tanaw sa ating pinagsamahan.
Ngunit patawad kung iyong tinig ay unti unti nang nalilimutan.


Ahhh kagabi nga pala ikaw ay napanaginipan.
Matamis mong ngiti ay muli kong nasulyapan.
Niyakap ka ng mahigpit at gan'on ka din naman.
Ngunit unti unti, ako'y iyong binitawan.


Sa'yong pagbitaw, pisngi ko'y iyong hinawakan.
Ngumiti ka at sabing loob ko'y tatagan.
Akin sanang kayanin ang iyong paglisan.
Sabay bitaw ng halik, halik ng paalam.


Sa iyong pagdalaw ayoko munang gumising.
Dahil kahit man lang sa panaginip ay nais kang makapiling.
Ngunit sa  iyong mga mata ako ay may napansin.
Kahit nakangiti, ikaw ay malungkot pa rin.



Kaya't ibinulong mo sa akin ang iyong huling hiling.
Ito ay ang tuluyang ikaw ay palayain.
Dahil ikaw ay pagod na't damdami'y gan'on din.
Ganap na kapayapaan sa kabilang dako iyong sana kakamtin.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon